Chapter 21

2.1K 98 24
                                    

Chapter 21 - birthday kiss

Ipinakilala ako ni Mommy sa mga kamag anak namin at kaibigan niya. Wala palang kapatid si Mommy kaya ang mga pinsan ko lang ay yung mga anak din ng pinsan niya.

"Mabuti naman at nagkita na kayo." nakangiting sabi ni Tita Luanne na pinsan ni Mommy.

"Pupunta lang kami sa kabilang table." nakangiting sabi ni Mommy na agad din naman nilang tinanguan.

"Bye po." nakangiting sabi ko.

Sunod niya akong ipinakilala sa mga kaibigan niya at mga kasyoso. Nakagat ko ang pang ibabang labi at naramdaman na may nakatitig sa akin kaya hinanap ko iyon.

Natigilan ako ng makitang si Andrew pala iyon. Titig na titig sa akin habang may hawak na isang baso ng wine. Napunta ang aking atensyon kay Lexi ng kumaway siya sa akin. Napangiti ako at kumaway din sa kaniya.

"Mommy, pwede ko po bang puntahan muna ang friends ko?"

"Okay sige. Ientertain mo na muna sila. Dito muna ako."

"Sige po." yumuko lang ako bilang paggalang sa mga kausap ni Mommy.

Hinawakan ko ang aking gown at naglakad na palapit sa table nila Lexi.

"Girl! Sobrang ganda mo!" ngiting ngiti na sabi ni Lexi.

"Oo nga at mayaman ka pala ha. Kayo pala ang may ari ng school." sabi ni Erika.

"Kailan ko lang din nalaman." nakangiting sabi ko.

"Happy birthday Danica and sorry for what happened.." nginitian ko si Alex dahilan para maputol ang iba niya pang sasabihin.

"Let's just forget it. Kumuha lang kayo ng pagkain sa buffet table ah." sunod kong tinignan si Andrew na nakatitig pa din sa akin. "Sila Tita Ara at Tito Art? Hindi ba makakapunta?"

"Nasa abroad sila for business pero may pinadala silang regalo. Nilagay ko na doon sa table mo."

Nilingon ko ang table ko na punung puno na nga ng mga regalo.

"Salamat." nakangiting sabi ko ng muli siyang tignan. "Hmm. Pupuntahan ko lang muna ulit si Mommy ha. Sana mag enjoy kayo sa party."

"Danica." natigil ako sa tangkang pag alis ng marinig na tinawag ako ni Andrew. "Can we talk? Kahit saglit lang."

Saglit akong natigilan pero ngumiti at tumango din naman.

"Sa pool area ng hotel na lang tayo mag usap." sabi ko at nauna ng umalis.

Habang naglalakad papunta sa pool area ng hotel ay ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko alam kung magandang ideya ba itong ginawa kong pagpayag.

Napapikit ako ng maramdaman ang lamig sa labas. Bakit ba hindi ko ito naisip? Napahawak ako sa aking mga braso. Lilingunin ko na sana si Andrew pero natigilan ako ng maramdaman kong ipinatong niya ang kaniyang coat sa aking balikat.

"Happy birthday." halos makiliti ako ng marinig ang ibinulong niyang iyon.

"Andrew." haharap sana ako sa kaniya pero pinigilan niya ako.

"Just stay there. Wag kang haharap dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

Huminga ako ng malalim at tumingin na lang sa kalangitan.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko.

"Marami akong gustong sabihin pero ngayong nandito ka sa harapan ko bigla kong nakalimutan." napangiti ako ng marinig iyon. "Are you happy?" unti unting nawala ang aking ngiti ng marinig ang sunod niyang tanong.

"Oo naman. Nahanap ko na ang totoong pamilya ko."

"I'm glad you're happy."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pareho na kaming natahimik. Tumingin ako sa swimming pool at gusto na sana siyang tignan pero hindi ko ginawa.

"Ikaw? Masaya ka ba?" tanong ko.

"I'm happy when you're happy. Kaya kung masaya ka ngayon, masaya na din ako." narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa aking likod. "I'm sorry, Danica. I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for hurting you."

"Andrew, tama na."

"But I really love you." pagpapatuloy niya. Hindi na pinansin pa ang pagpapatigil ko sa kaniya. "Mahal kita. Sobrang saya ko noong sinagot mo na ako hindi dahil nanalo ako sa pustahan namin kundi dahil napanalunan na kita." napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. "I miss you. I miss being with you."

Sa muli kong pagdilat ay hinarap ko na siya. Nakita ko rin kung paano tumulo ang kaniyang luha. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko magawang suklian ang ngiting iyon.

"Sabi ko wag kang haharap di ba." nakangiting sabi niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at hinalikan siya. Inilagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok at hinila siya lalo palapit sa akin. Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking likod kasabay ng pagtugon niya sa halik na iyon.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon