Chapter 35

1.5K 82 8
                                    

Chapter 35 - I'll be waiting

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming tahimik na nakaupo lang dito sa loob ng kaniyang sasakyan. Simula noong lumabas ako ay wala pa ni isa sa amin ang nagsasalita. Napatingin ako sa aming gate. Nagpaalam ako kay Mommy na kakausapin ko na si Andrew ngayong gabi at sinuportahan naman niya ako.

Ngumiti ako at napagdesisyunan ng lingunin siya pero agad din iyong nabura noong makitang nakatingin din pala siya sa akin. Lumunok ako at agad din namang nag iwas ng tingin. Hindi kinaya ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

"You're planning to break up with me, right?" tanong niya dahilan para lingunin ko siya.

"Andrew." gulat kong pagtawag sa kaniya.

"I already felt it. I'm just waiting for you to tell me."

"I'm sorry." mahinang sabi ko.

"What happened? Anong nangyari sa atin, Danica? Pumayag ka di ba? I told you na pansamantala lang naman. I told you na kahit anong mangyari ikaw lang yung mahal ko." napapikit ako at hindi na siya kayang tignan pa.
"Tinanong kita, kung ayaw mo sa ganito sabihin mo lang kasi in the end, ikaw pa din naman yung susundin ko eh. Danica, please. Tell me. Tell me kung ano ang pwede kong gawin para hindi mo gawin sa akin ito. Do you want me to tell her the truth? I'll call her then. Sasabihin ko na nagpapanggap lang ako."

Agad ko siyang pinigilan noong kukunin na niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone.

"Wag. Masasaktan siya."

"Mas kakayanin kong masaktan siya kaysa makita kitang nagkakaganito. Kaysa makita kong unti unti ka ng nawawala sa akin." nahihirapan niyang sambit.

"Wala kang kasalanan. Ako ang dapat sisihin. Tama ka, pumayag ako kaya ako ang may mali dito."

Nakita kong natigilan siya kaya napahinto din ako sa pagsasalita. Ngumiti siya ng mapait at nag iwas ng tingin sa akin.

"We're breaking up but you're not crying." napaawang ang aking bibig noong marinig iyon. "Parang hindi ka nasasaktan at ako lang itong.. ako lang itong nahihirapan."

"Andrew."

"Did you fell out of love?" tanong niya kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata na agad din naman niyang pinunasan. "Kaya ba, sobrang dali nito para sayo kasi hindi mo na ako mahal?" sunod niyang tanong pero hindi pa din ako nililingon.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. There's no pain, no hate, no regrets. Maybe I do fell out of love kaya wala akong nararamdaman na kung ano ngayon. Kaya siguro madali lang ang lahat ng ito para sa akin ay dahil wala na nga talaga.

"I'm sorry. I'm really sorry, Andrew. Maybe you're right. Siguro nga wala na talaga. Hindi ko din alam kung kailan ito nagsimula. Siguro pinaniwala ko lang yung sarili kong mahal pa din kita kahit ang totoo naman ay wala na pala. I'm just inlove with the thought of you being with me. Masyado ko yatang tinatak iyon sa isipan ko kaya yun na lang yung pinaniwalaan ko. Kaya kahit.. kahit ayaw ko na ay patuloy pa din akong kumakapit."

"May iba ka na ba?" tanong pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Wala." maikling sagot ko.

"What can I do to make you fall for me again?"

Tinignan ko siya at nasaktan ako noong makita ang pamumula ng kaniyang mga mata.

"I just want to find myself first. Gusto kong mahalin muna yung sarili ko. Gusto kong alamin kung ano talaga yung makakapagpasaya sa akin." nginitian ko siya ng tipid. "I'm planning to go to London next week. Doon ko ipagpapatuloy ang pag aaral ko."

Bumuga siya ng hangin at tumango.

"Okay then. I guess I have to wait for you until you come back." sabi niya na ikinagulat ko.

"Andrew, that's not what I meant."

"I'll be waiting for you. I'll let you find yourself first. Hahayaan muna kitang gawin yung mga bagay na ikasasaya mo. Kapag nagawa mo na lahat iyon, bumalik ka na sa akin."

Noong marinig ko ang mga salitang iyon ay saka ko naramdaman ang pagtulo ng aking mga luha. Ngayon ko naramdaman yung bigat ng aking kalooban. Ngumiti si Andrew at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Don't cry." hinaplos niya ang aking buhok at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Pakakawalan muna kita ngayon pero sa pagbabalik mo, hinding hindi na kita pakakawalan pa."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon