Chapter 29

1.3K 70 12
                                    

Chapter 29 - she's dying

Nakatitig lang ako sa kawalan. Ni hindi ko nga alam kung anong movie ang pinili nilang panoorin. Tahimik lang akong nakatitig sa harapan. Humigpit ang aking hawak sa popcorn. Is he lying? Is he lying to me again?

Napayuko ako at naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib sa isiping niloloko na naman niya ako. I just keep asking myself, why me? Bakit sa lahat ng babaeng nandito ay ako ang paborito niyang lokohin? Did I do something wrong? May mali ba sa akin? May nagpakalat ba ng balita na masaya akong lokohin? Kung ayaw niya sa akin ay hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa kaniya. Kung ayaw niya sa akin ay hahayaan ko naman siya. Pakakawalan ko naman siya.

Nakagat ko ang aking labi at tumayo na.

"Danica, where are you going?" tanong ni Lexi.

"CR lang." maikling sagot ko at umalis na doon.

Nang makarating sa CR ay napatitig ako sa salamin. I look okay. Kahit papaano naman ay maganda ako. Agad kong binuksan ang gripo at naghilamos ng mukha. Gustong takpan ang mga luhang malapit ng kumawala.

"I told you I'll just go to the bathroom." tinignan ko sa salamin ang babaeng bagong pasok at agad natigilan ng makitang siya yung babae na kasama ni Andrew kanina. "Oh God, you're so cute talaga." natatawang sabi niya. "I'll be back, okay. I love you."

Naikuyom ko ang aking kamao ng marinig ang huling sinabi niya. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya pero bakit gusto kong paniwalain ang aking sarili na si Andrew iyon. Ilan ba kaming babae sa buhay niya? Bakit ginagawa niya ito?

Nagpunta sa aking tabi ang babaeng iyon at naghugas din ng kamay. Nang magkatinginan kami ay agad siyang ngumiti. She's so pretty and looks so kind. Sa aming dalawa, ako pa ang mukhang mang aagaw. Ako pa ang mukhang kabit at nakikisawsaw sa perpekto nilang relasyon.

Nakagat ko ang pang ibabang labi at umalis na doon na agad kong pinagsisihan.

"Danica." gulat na pagbanggit ni Andrew sa aking pangalan noong makalabas ako.

"Honey, bakit nagpunta ka pa dito? I told you, babalik naman ako agad." nilampasan ako noong babae at agad na kumapit sa braso ni Andrew. Napatingin siya sa akin at muling ngumiti. "You know her, hon?"

Saglit na natahimik si Andrew at nakatitig lang sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag at nginitian ang babaeng kasama niya.

"We're schoolmates." nakangiting sagot ko sa tanong niya kanina.

"Really? Mabait ba si Andrew? Wala ba siyang babae sa school niyo? You know, ilang buwan din kaming hindi nagkita dahil kinailangan kong pumunta sa Japan."

"Wala. Wala siyang ibang babae." tinignan ko si Andrew na kanina pa tahimik at nakatitig lang sa akin. "Maganda ang girlfriend mo. Wag mong sasaktan." tumingin akong muli sa babaeng kasama ng lalaking mahal ko. "Mauna na ako sa inyo. Bye."

"Mauna ka ng bumalik sa loob. Magbabanyo lang din ako. I'll be quick." dinig kong sabi ni Andrew sa babaeng iyon dahilan para bilisan ko ang aking paglalakad.

"Danica." natigil ako sa paglalakad noong hawakan niya ang aking braso. "Let's talk." wala na akong nagawa noong hilain niya ako papunta sa tagong lugar.

Pagod ko siyang tinignan. I can't believe that I really fell for him this hard. Ano na naman kayang kasinungalingan ang maririnig ko mula sa kaniya? At ano naman kaya ang gagawin ko pag narinig na ang mga dahilan niya? Tatanggapin ko na naman ba siya at paniniwalaan? O tatapusin ko na ang lahat ngayon?

"Babe, it's not what you think, okay? Hindi ako nambabae. Ikaw lang ang mahal ko." napangiti ako sa kaniyang sinabi.

Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at pinigilan ang pagtulo ng aking mga luha. I won't cry in front of him again. Hinding hindi ko na ipapakita sa kaniya ang pagkatalo ko.

"I know. Halata ngang wala ka namang ibang babae at ako lang ang mahal mo." sarkastikong sabi ko noong muli ko siyang tinignan.

"Babe, Angeline is dying." natigilan ako ng marinig iyon. "Kinakapatid ko siya. Anak siya ng Ninong Rey ko. Angeline is so inlove with me since we we're kids. Her parents asked me a favor to stay with her until she dies. That's her last wish, Danica. She wants to be with me until her last breath."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon