Chapter 42

1.3K 81 11
                                    

Chapter 42 - Last goodbye

Limang minuto na din siguro ang lumipas simula noong pumasok kami dito sa kaniyang sasakyan at diretso lang ang tingin sa labas. Napatingin ako sa aming mga kamay na magkahawak ng humigpit ang hawak niya doon. Nalipat ang aking tingin sa kaniya at bahagyang napangiti.

Siguro ang sasabihin ng iba ay sobrang rupok ko but it's okay. Mas mabuti ng maging marupok sa taong ayaw mong mawala sayo. Sa taong mahal mo at mahal ka. And this time, I won't let go of him. Hindi ko na ulit pakakawalan si Andrew. He's mine. I'm ready to be with him kahit ano pa ang mangyari sa aming dalawa. Masaktan man ako ulit. Umiyak. Kakayanin ko na ang lahat basta siya ang kasama ko.

"Are you okay? Kumalma ka na ba?" mahinahon niyang tanong.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Salamat."

"For what?"

"Sa lahat. Thank you for waiting and accepting me again and again." ngumiti siya at lumapit sa akin para halikan ako sa noo.

"It's because I already knew that you are my future from the very first time I met you. Noong unang kita ko pa lang sayo sa bahay, alam kong ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay." nakangiting sabi niya.

Napangiti din ako at hinawakan ang kaniyang pisngi.

"It feels great. It feels great to be with you again. I missed being with you."

"Then break up with him and come back to me."

"I'll talk to him later. Alam kong hindi magiging madali at masasaktan siya pero kailangan kong gawin. Renz is a good guy and I hope he'll understand."

"I don't like the way you said I love you to him earlier." nakasimangot niyang sabi na ikinalaki ng aking ngiti.

"I love Renz." pag amin ko na ikinatigil niya. Bibitawan niya sana ang aking kamay pero hindi ako pumayag at hinigpitan ko ang hawak sa kaniya. "But I love you more kaya nandito ako ngayon. Sobrang mahal na mahal kita kaya kahit nasasaktan ako sa relasyon natin at mayroong tao na handang pasayahin ako ay ikaw pa rin ang pipiliin ko sa bandang huli. Ikaw pa rin kahit sino ang dumating at kahit ano pa ang mangyari."

"I'm sorry for always hurting you. Alam kong gustung gusto mo ng bumitaw sa atin pero salamat kasi hindi mo ginagawa. Thank you for holding me this much."

Ngumiti ako at niyakap siya.

Pagkatapos naming mag usap ay pumasok na din ako ulit sa bahay at umuwi na din siya. Kinuha ko ang aking laptop at napagdesisyunang makipag video call na agad kay Renz and luckily he answered.

"Babe, why are you still awake?"

"Can we talk? You're not busy?" kinakabahang tanong ko.

"I'm not and you know that I'll always make time for you." napalunok ako at bumuntong hininga.

"I saw Andrew today." panimula ko na ikinatigil niya. He knew about Andrew. Palagi kong kinukwento iyon sa kaniya noong nanliligaw pa lang siya.

He knew that I really love Andrew at sinabi ko din sa kaniyang wala na akong iba pang mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kaniya but he still tried. He still tried to make me fall for him.

"He's still the one? You still love him?" tanong niya na ikinabigla ko.

"Renz." ngumiti siya pero nakita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot.

"Actually, I'm ready for this. I know that you still love him. I know that I can't replace him in your life and in your heart but I really love you that's why I don't give up. Let's just say, I just borrowed you for a while?" tumawa siya ng mahina. "I love you, Danica. I really do. So please, be happy this time. Be happy with him. Please, don't make me regret this decision."

"Renz." naluluha kong pagtawag sa kaniya. "I'm sorry. I'm really sorry. God knows that I really loved you."

"Don't cry. I do feel it and thank you for allowing me to feel that kind of love. I'm already happy to be with you. I'm happy to be a part of your story. Thank you for making me a better person. Now, I'm giving you back to your real owner. Take care, Danica. I love you. Goodbye."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon