Chapter 8

3.4K 139 13
                                    

Chapter 8 - I like you

Nang matapos ang halikan na iyon ay idinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo.

"I'm sorry Danica. I'm sorry for being a jerk." Bulong niya. "Hindi ko lang kasi talaga mapigilan." Nag angat siya ng tingin sa akin. "I'm jealous because i like you." Nagwala na naman ang aking puso dahil sa narinig. "But you're right. Wala naman akong karapatan. I don't have the right to stop you. I'm sorry." Bumuntong hininga siya at lumayo na sa akin. "Matulog ka na. It's already midnight. Good night Danica." Nginitian niya ako pero malungkot pa din ang kaniyang mga mata.

Lumuwag na ang hawak niya sa aking kamay pero hindi ko ito binitiwan. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniya dahilan kung bakit hindi naalis ang kaniyang tingin sa akin.

"P-pwede bang dito ka matulog ngayon?" Nahihiyang tanong ko.

Kitang kita ko ang pinaghalong saya, gulat at lungkot sa kaniyang mga mata.

"Are you guilty?" Tanong niya.

"H-hindi ah!" Sagot ko agad. Napayuko ako dahil sa hiya. "G-gusto ko lang makatabi ka ngayon. Yun lang." Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.

Napatingin ako ulit sa kaniya ng makitang tumayo siya. Ayaw niya ba?

Nakakahiya ka Danica!

Wala na akong nagawa kundi bitawan ang kaniyang kamay.

"I'll just take a bath in my room. Babalik ako." Sabi niya at hinalikan ako sa noo bago tuluyang lumabas.

Hindi ko na napigilan ang pagngiti. Kahit malinis naman ang aking kama ay pinagpagan ko pa din ang bed sheet. Naligo din ako ng maalalang hindi pa ako naliligo maghapon. Nakakahiya! Buti nakapagtoothbrush ako kanina pagkatapos kumain ng dinner.

Paglabas ko galing banyo ay nandoon na si Drew sa aking kama at nakaupo. Ngayon ko lang narealize kung gaano nakakahiya ang pagsabi ko sa kanya na dito matulog.

Nakaputing sando siya at itim na shorts. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang tainga habang naglalakad ako palapit sa kanya.

"T-tulog na tayo?" Nahihiyang sabi ko ng makalapit ako sa kanya.

"Let's sleep."

Tumango ako at nauna ng nahiga. Binalot ko ang aking sarili ng kumot. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko ng humiga na din siya sa aking tabi.

Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagngiti.

"Good night Danica." Bulong niya.

What a beautiful night..

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan dahan akong dumilat at nakita ang mukha ni Drew na mahimbing pa ding natutulog.

Napangiti ako ng makita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Nakaunan ako sa kaniyang braso at nakayakap ang isa niya pang braso sa aking baywang.

He's still sleeping peacefully kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataong matitigan ang kaniyang mukha.

Ang kanyang medyo makapal na kilay. Mahabang pilikmata. Matangos na ilong. Mapulang labi..

Napahawak ako sa aking labi ng maalalang naghalikan kami kagabi. He's my first kiss and i didn't regret it. Masaya ako na siya ang aking unang halik.

"Good morning." Mahinang bulong niya. Napatingin ako sa kaniyang mga mata at nakitang gising na din siya.

Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatingin sa kaniyang labi.

"Good morning din." Nahihiyang bati ko.

Tumawa siya ng mahina at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Can we stay like this for a while?"

"Baka hinahanap ka na ni Ma'am Ara?" Tanong ko kahit gusto ko din ito. "Kailangan ko na ding tumulong sa paghahanda ng almusal."

Pareho kaming napabangon ng marinig namin ang ingay sa baba. May mga nagsasalita pero hindi namin maintindihan.

"What's that?" Tanong ni Drew at tuluyan ng bumangon.

Sumunod ako sa kanya at sabay kaming bumaba.

"Art! Nasaan na ang bunso mo! Nasa labas ang kotse niya pero wala siya sa kwarto!" Boses ng umiiyak na si Ma'am Ara ang bumungad sa amin. "Naglayas na ba siya? Wala siya sa buong bahay!"

Nagkakagulo na ang lahat. Ang mga kasambahay ay may tinatawagan. Walang nakapansin sa amin kahit isa.

"Shh. Hinahanap na siya honey." Pag aalo ni Sir Arthur.

"Mom? Dad?" Pagtawag ni Drew sa kanilang atensiyon.

"Andrew anak!" Tumakbo si Ma'am Ara papunta kay Drew at niyakap ito.

"Mom, bakit ako maglalayas?" Naguguluhang tanong ni Drew.

"Wala ka kasi sa buong bahay. Wala ka sa kwarto pero nasa garahe ang kotse mo." Bumitiw na si Ma'am Ara at hinampas ang braso ni Drew. "Saan ka ba galing ha?!" Pagalit na tanong niya. "Akala ko naglayas ka dahil nag away kayo ni Danica."

"Of course not! I slept in her room." Sagot ni Drew na parang wala lang iyon.

Natahimik ang lahat at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay kasing pula na ako ng kamatis ngayon.

Nakakahiya!

"Are you two?" Gulat na tanong ni Ma'am Ara. "Magkakaapo na ba ako?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

Oh my god!

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon