Chapter 13

2.2K 98 27
                                    

Chapter 13 - official

Umaga na pero hindi pa din maalis sa isipan ko ang mga narinig ko kagabi. Hindi ako sigurado kung ako ba ang tinutukoy niya pero sobrang tinamaan talaga ako doon.

Paano kung alam nga niya ang totoo at ayaw lang sabihin sa akin? Baka isipin niya ay talagang sinungaling ako. Baka magbago ang tingin niya sa akin. Ayaw ko naman sanang maglihim sa kaniya kaso..

Huminga ako ng malalim at napagpasyahang sabihin na sa kaniya ang totoo. Nang makalabas sa aking kwarto ay saglit akong napatitig sa pintuan ng kaniyang silid at babalik din naman. Duwag sa kung ano ang pwedeng mangyari. Duwag sa kung ano ang sasabihin niya sa akin.

Sa ikatlong beses kong pagbabalak na kumatok sa kaniyang pintuan ay biglang bumukas iyon na ikinagulat ko.

"Danica?" gulat ding sambit ni Drew.

"Good morning?" awkward kong pagbati.

Ngumiti siya at maya maya'y natawa.

"Cute." sabi niya at kinurot pa ang aking pisngi.

"Papasok ka na?" tanong ko at pinasadahan siya ng tingin.

"Yup. Wala kang class ngayon di ba?"

"Oo. Dito lang ako at tutulong sa gawaing bahay. Ingat ka ah."

"Wag ka masyadong magpakapagod ah." tumango ako at nginitian siya.

"Okay."

Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan ni Andrew. Gusto kong batukan ang aking sarili dahil hindi ko nasabi sa kaniya ang dapat sabihin.

Mamaya.. Dapat masabi mo na sa kaniya mamaya ang totoo, Danica.

Nagsimula na akong tumulong sa paghahanda ng almusal. Pagkatapos ko doon ay nagdilig naman ako sa garden ni Ma'am Ara.

"Danica tawag ka ni Ma'am." sabi ni Leslie.

"Sige. Papasok na ko."

Iniwan ko muna ang ginagawa doon at nagpunta na sa dining area. Nakita kong nag aalmusal na sila doon ni Sir Arthur.

"Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako?"

"Hija, kumain ka na din."

"Mamaya na lang po. Sasabay na lang ako kina Leslie mamaya."

Nagulat ako ng hawakan ni Ma'am Ara ang aking kamay at pinaupo ako sa kaniyang tabi.

"You're part of the family. You're Drew's girlfriend kaya dapat sumasabay ka sa amin at wag ka ng tumulong sa mga gawaing bahay."

"Ah Ma'am, hindi pa po kami ni Drew."

"But he's courting you right? Isa pa, you spend the night together. Doon din naman kayo hahantong kaya dapat ay masanay ka na."

Wala na akong nagawa ng siya na mismo ang maglagay ng kanin at ulam sa aking plato.

"We're so thankful to you hija. Simula noong makilala ka ng bunso namin ay talagang nagbago siya." tinignan ako ni Ma'am Ara at nginitian. "And call me Tita from now on. Sige na, kumain ka na at magpahinga ka lang sa kwarto mo. Mag aral ka or matulog."

"Thank you po."

Pagkatapos kumain ay hindi ko pa din mapigilan ang hindi tumulong sa pagliligpit doon. Talagang hinintay ko pang makaalis sila Ma'am Ara at Sir Arthur bago ako tumulong kina Leslie.

"Ako na ang bahala dyan, Danica. Magpahinga ka na lang."

"Hindi na no. Ako na ang bahala dito kumain na kayo."

"Naku. Baka malagot pa ako kina Ma'am Ara kapag nalaman nilang ikaw ang gumagawa niyan."

Wala na akong nagawa ng agawin niya sa akin ang mga plato. Bumuntong hininga ako at pumunta na lang sa aking kwarto.

Maghapon akong nagbasa ng libro na kinuha ko sa library ni Sir Arthur. May mga oras din na nakakatext ko si Andrew dahil wala daw silang prof.

Noong mag alas singko ng hapon ay nakaramdam ako ng antok kaya natulog na muna ako.

Paggising ko ay agad kong nakita si Andrew na nakaupo sa aking tabi habang naglalaro sa kaniyang cellphone.

"Kanina ka pa?"

"You're awake." agad niyang binitawan ang kaniyang cellphone at itinuon na sa akin ang buong atensyon. Napangiti ako dahil doon.

Saglit kong tinignan ang kaniyang cellphone bago ko ibinalik sa kaniya ang tingin.

"Naglalaro ka di ba? Tapusin mo na muna yun."

"No. You're more important than a game."

"Bolero." natatawang sabi ko. "Ilan na bang mga babae ang nasabihan mo nyan?"

"Ikaw pa lang." seryosong sabi niya.

Muli akong natawa at napailing na lang.

"Okay. Maniniwala ako kahit alam kong playboy ka naman." pang aasar ko sa kaniya at bumangon na.

"That's all in the past. I'm loyal now, you know?" ngumiti ako at tinanguan siya. "I can't wait to make you mine."

"Gusto mo bang sagutin na kita?" tanong ko.

Kitang kita ko kung paano siya natigilan.

"Sasagutin mo na ako?"

"Ayaw mo pa?" tanong ko imbes na sagutin ang kaniyang tanong.

"Of course I want too but if you're not ready yet. Maghihintay pa ako."

Napangiti ako ng marinig iyon. Saglit ko siyang tinitigan bago ko siya hinalikan ng mabilis na ikinagulat niya.

"Wait. Is that a yes?" gulat niyang tanong.

Tumango ako at ngumiti bilang sagot.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon