Chapter 44 (FINAL CHAPTER)

2K 93 20
                                    

Chapter 44 - a happy ending

Napangiti ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Andrew. Tinignan ko siya at lalong napangiti ng makitang nasa akin din ang kaniyang atensyon.

Pagkatapos ng pag uusap nila ni Mommy kanina ay saka lang ako nagpakita sa kanila. Nagpanggap ako na walang narinig sa naging usapan nila.

"You look so happy and I'm glad that I'm the one who's seeing your smile." nakangiting sabi niya.

Huminto ako sa paglalakad at ganoon din siya. Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Dito niya ako dinala pagkaalis namin sa bahay. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi na ikinapikit niya.

"Ilang beses na tayong naghiwalay, akala ko talaga ay hanggang doon na lang tayo. Sobrang saya ko dahil ikaw pa rin ang kasama ko ngayon. I can't wait to spend my whole life with you."

Dumilat siya at tinitigan ako ng mariin. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon. Hinawakan niya ang aking baywang at lalong inilapit sa kaniya. Napangiti ako at unti unting pumikit noong makitang hahalikan niya ako. Napakapit ako sa kaniyang damit noong maramdaman ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin.

"I love you." bulong niya noong humiwalay sa akin.

Napangiti ako at niyakap siya. I hope he can hear how my heart was beating so fast for him. Pakiramdam ko ay kaunti na lang hindi na kakayanin pa ng puso ko ang ipinaparamdam niya sa akin. The feeling is so overwhelming.

Nakaupo kami sa buhanginan habang pinapanood ang paglubog ng araw. Kahit hindi kami nag uusap ay sobrang kumportable sa pakiramdam. Siguro ito yung sinasabi nilang kahit walang pag uusap basta kasama mo yung taong mahal mo ay pakiramdam mo safe and secured ka. Ipinahinga ko ang aking ulo sa kaniyang balikat at napabuntong hininga. Sana hindi na matapos pa ang araw na ito.

"Why? Is there a problem?" masuyong tanong niya.

"I hope this day won't end." natawa siya ng mahina dahilan para tignan ko siya. "Bakit?" kunot noo kong tanong.

"Paano tayo magpapakasal niyan kung hindi na matatapos ang araw na ito?" nabigla ako sa kaniyang tanong at napaayos ng upo.

"Ha?" wala sa sariling tanong ko.

Ngumiti siya at tumayo. Hinawakan niya ang aking mga kamay at inalalayan din ako sa pagtayo.

"Just like you, I can't wait to spend my whole life with you." panimula niya.

Nakagat ko ang pang ibabang labi at sa hindi malamang kadahilanan ay nagsimulang manlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo anumang oras.

"Andrew." mahinang banggit ko sa kaniyang pangalan.

"I want to grow old with you. I want you to be the mother of my future children." ngumiti siya kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha. "Sobrang mahal na mahal kita na kahit ialay ko ang buhay ko sayo ay kaya kong gawin." napatakip ako ng aking bibig ng lumuhod siya sa aking harapan at inilabas ang isang maliit na kahon sa kaniyang bulsa. "Will you marry me, Danica?" tanong niya kasabay ng pagbukas niya sa kahong naglalaman ng singsing.

Napangiti ako at tumango. Tumulo ang aking luha dahil sa sobrang kaligayahan na nadarama.

"Yes." sagot ko.

Ngumiti siya at isinuot na sa aking daliri ang singsing. Tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Pinunasan niya ang mga luhang walang tigil sa pagtulo sa aking pisngi. Natawa siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Stop crying now."

Tumango ako bilang sagot pero hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi. Muli siyang natawa ng mahina at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

I'm looking forward to our happy ending. Siya, ako at ang mga magiging anak namin.

                         THE END

-------------

Thank you so much for supporting Danica and Andrew 💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon