Chapter 12

2.2K 94 8
                                    

Chapter 12 - yari

Habang nasa sasakyan ay hindi ako mapakali. Hindi pa naman nagtetext o tumatawag si Drew pero kinakabahan na ako.

"Mom, I said she's not my girlfriend." paulit ulit na sinabi iyon ni Calvin pero hindi siya pinapansin ng Mama niya.

Nang makarating sa mall ay nagdalawang isip ako kung lalabas ba ako o tatakas na lang.

"Ah Ma'am, sorry po pero hindi po talaga.."

Nahinto ako sa iba pang sasabihin ng biglang lumabas sa sasakyan ang Mama ni Calvin at pinagbuksan na ako ng pintuan. Hinawakan niya ang aking kamay at pinababa na ako. Humawak siya sa aking braso at nagsimula na kaming maglakad papasok ng mall. Nilingon ko si Calvin na naiiling lang habang nakasunod sa amin.

"It's okay hija. Hindi ka dapat mahiya sa akin. I just want to have some time with you. Palagi kasing itong anak ko ang kasama ko kapag namamasyal at nagshoshopping eh. You know, wala namang alam yan sa ating mga babae. I just missed the feeling na babae din ang kasama ko." malungkot niyang sabi. "My amiga's are all busy now."

Wala na akong nagawa kundi ang samahan sila. Nakakatuwa din namang kasama si Tita Ana at gusto pa akong bilhan ng mga damit at sapatos pero tinatanggihan ko.

"Okay lang po ako, Tita. Marami naman po akong damit." nahihiyang sabi ko.

"Hay naku! Isinama kita dito kaya I should treat you!" pamimilit niya. "Minsan lang naman ito. Hayaan mo na ako."

Sa sobrang dami naming pinasukan na boutique at kwento ni Tita ay nakalimutan ko na ang oras. Pagkatingin ko sa aking cellphone ay lowbat na pala ito.

"Yari ako kay Drew." bulong ko.

"Come on hija. Let's have dinner first at uuwi na tayo." nakangiting sabi ni Tita Ana.

"Sorry Tita pero hindi na po ako makakasama sa dinner. Kailangan ko na po kasing umuwi eh."

"Ganoon ba?" malungkot niyang sabi at nilingon si Calvin. "Anak, ihatid mo na muna si Danica."

"Hindi na po, Tita. Okay lang ako. Salamat po. Bye po."

"Salamat din hija. Mag ingat ka ha." sabi niya at niyakap pa ako.

"Sige po. Thank you po ulit. Bye po, bye Calvin."

"Are you sure you're okay? Ihahatid na kita."

"Hindi na. Sige, bye!"

Nagmadali na akong lumabas ng mall at nag abang ng jeep. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay may ginawa akong kasalanan kay Drew at alam kong magagalit iyon kapag nalaman niya ang nangyari.

Nang makababa sa jeep ay agad na akong tumakbo para mabilis na makarating sa kanilang bahay. Hindi ko na inintindi pa ang hingal na nararamdaman. Ang mas mahalaga ngayon ay makauwi na ako kaagad at makapagpaliwanag.

Dahan dahan akong napatigil sa pagtakbo ng makita si Andrew sa gate. Tila ba inaabangan na ang aking pagdating.

"Drew." ngumiti ako ng alanganin ng magtagpo ang aming mga mata.

"Saan ka galing?" seryosong tanong niya.

"Ah. Sa mall lang." tumango tango siya at hindi inalis ang tingin sa akin.

"Sino ang kasama mo?" napalunok ako ng marinig ang sunod niyang tanong.

"Ah si ano.. Si Tina!" pagsisinungaling ko. "Nagpasama kasi siyang bumili ng bagong bag. Hindi na kita natext kasi nalowbat yung cellphone ko."

Parang nakahinga ako ng maluwag noong ngumiti siya sa akin.

"I got worried. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo."

"Sorry." for lying..

"Kumain ka na?" nilapitan niya ako at inakbayan bago kami tuluyang pumasok sa kanilang bahay.

"Hindi pa. Ililibre sana ako ni Tina kaso tinanggihan ko dahil alam kong mag aalala ka."

"Magbihis ka na muna. Magpapahanda ako ng miryenda." tumango ako at nagmadali ng pumunta sa aking kwarto.

Napabuga ako ng hangin ng makapasok sa kwarto. Agad akong naupo sa aking kama at napahawak sa aking dibdib. Sobrang lakas pa din ng tibok noon. Kahit hindi naman nagalit si Andrew ay sobrang bigat pa din ng aking loob dahil alam kong nagsinungaling ako sa kaniya. Ayaw ko namang aminin ang totoo dahil ayaw kong magalit siya at baka makipag away pa kay Calvin.

Napailing ako at nagbihis na para makatulong sa baba. Agad hinanap ng aking mga mata si Andrew. Napangiti ako ng makita siyang abala sa kusina. Lalapit na sana ako pero napatigil ng magsalita siya. Saka ko lang napansin na suot niya pala ang bluetooth earphone niya.

"Nope. She lied." para akong napako sa kinatatayuan ng marinig iyon. Agad akong nagtago ng makitang tumigil siya sa ginagawa at haharap sa aking gawi. "It's okay. Wala naman silang ginawang masama. I just can't believed that she lied to me. Wala akong lakas ng loob na komprontahin siya. What if she lied to me again? Paano kung itanggi niya iyon?.. Oh shut up, dude! I'm not asking her. Bye!"

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon