Chapter 39

1.3K 82 36
                                    

Chapter 39 - back to the Philippines

"I'll call you so make sure to answer my calls, okay?" tumango ako at ngumiti kay Renz.

"You've been saying it since we get here." natatawang sabi ko.

"I'll just miss you. This is the first time that we're gonna be far from each other."

Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay.

"I'll miss you too."

Ngumiti si Renz at hinalikan ako sa noo.

"Goodbye Tita. Take care." humalik si Renz sa pisngi ni Mommy bago kami tuluyang umalis.

"Are you excited anak?" nakangiting tanong ni Mommy noong makapasok kami at makaupo sa loob ng eroplano.

"Yes Mommy. For sure, magugulat sila Lexi since hindi ako nagsabi na uuwi ako."

Huminga ako ng malalim at napatingin sa labas ng bintana. Hindi ko pa sigurado kung ano talaga ang gusto kong gawin sa pagbabalik ko sa Pilipinas. I just want to be with my Mom and my friends for the mean time. Hindi na muna siguro ako magtatrabaho at mag eenjoy na muna but maybe I can help Mom in our company.

Nang makalabas sa NAIA ay napapikit ako at nilanghap ang hangin. Napangiti ako at napailing. Infairness, kahit papaano ay namiss ko din ang polusyon sa Pinas.

"Welcome back Ms. Danica." nakangiting sabi ni Kuya Rey. Ang aming driver.

"Thank you po Kuya." nakangiting sabi ko.

Nang makarating sa bahay ay nagpahinga na muna ako bago ko tinawagan si Lexi.

"Girl! Kamusta?" agad kong narinig ang ingay sa kabilang linya.

"Nasa bar ka?" tanong ko habang naghahanap ng pwedeng suotin.

"Yup. Nandito kami nila Maila, Erika at Calvin." napangiti ako noong marinig na kumpleto sila doon. "Wait. I'll just check something." nailayo ko sa aking tainga ang cellphone nang bigla siyang sumigaw.

"Hey! What happened? Are you okay?" nag aalalang tanong ko.

"OMG! You're back?!" napangiti ako. Ngayon niya lang siguro napansin na hindi na ang roaming number ko ang aking gamit.

"Yup. Send your location. Pupunta ako." nakangiting sabi ko.

Nang matapos ang aming pag uusap ay agad na akong naligo at nag ayos.

"Aalis ka?" tanong ni Mommy noong makita akong lumabas sa aking kwarto.

"Yes po. Magkikita lang kami nila Lexi."

"Okay. Take care."

"Opo. Bye Mommy." humalik ako sa pisngi ni Mommy at bumaba na.

Ginamit ko ang sasakyang binili ni Mommy para sa akin. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Renz magdrive.

Nang makarating ako sa bar na sinabi ni Lexi ay agad kong narinig ang ingay at tugtog mula sa loob. Nang makapasok ay agad ko silang hinanap.

"Nasaan sila?" bulong ko habang nagpapalinga linga.

Nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Bessy!" agad akong napangiti noong marinig ang boses ni Lexi.

Humarap ako at niyakap na din siya. Nginitian ko sila Maila, Erika at Calvin at isa isa na din silang niyakap.

"Namiss ka namin!" nakangiting sabi ni Maila.

"Lalo kang gumanda ah. Mukhang nahiyang ka doon." sabi naman ni Erika.

"Namiss ko din kayo!" nakangiting sabi ko. Natigilan ako ng makitang nakaakbay si Calvin kay Lexi. "Wait." napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. "Are you two dating?!"

Ngumisi si Calvin samantalang namula naman ang mukha ni Lexi.

"Kailan pa?" tanong ko kay Lexi noong makaupo na kami.

"Two months ago pa lang." namumulang pag amin ni Lexi.

"You guys didn't tell me." kunwari'y pagtatampo ko.

"I just want to say it personally." nakangiting sabi ni Lexi.

Napangiti na din ako at niyakap siya.

"I'm so happy for the both of you."

"Thanks Danica."

Nilingon ko si Calvin at pinaningkitan ng mga mata.

"Wag mong sasaktan ang kaibigan ko ah. Ako ang makakalaban mo." ngumiti si Calvin at tumango.

"You know how good I am." sagot niya na ikinangiti ko.

"Are you back for good?" tanong ni Maila.

"Yup."

"Then how about your boyfriend? Susunod siya dito? Buti pinayagan ka niyang umalis." sabi naman ni Erika.

"Next month siguro ay nandito na din siya kasama si Rico."

"He looks so possessive too. Buti hindi ka nasasakal sa kaniya?" tanong ni Lexi.

"Renz is a good guy. He looks really possessive pero sweet naman siya. Isa pa, hindi niya naman ako pinagbabawalan sa mga gusto kong gawin. He just want to know my whereabouts." natigilan ako ng may maalala. "Speaking of whereabouts, hindi pa pala ako nagsabi na nandito ako. Lalabas muna ako saglit. I'll just call him."

"Okay. Balik ka agad." tumango ako at ngumiti.

Lumabas na muna ako para tawagan muna si Renz, baka magtampo pa ito kapag hindi ako nagpaalam sa kaniya. Habang hinihintay siyang sagutin ang aking tawag ay natigilan ako ng makita kung sino ang aking nasa harapan.

"Hi babe.. Babe? Hey Danica, are you okay?.. Babe?"

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon