Chapter 41

1.3K 65 6
                                    

Chapter 41 - I missed you

Umalis na ako sa bar na iyon bago pa niya ako makita. Hindi ako sigurado kung ako ba ang hinahanap niya pero gusto ko na lang din na umalis agad doon.

Bakit ba pakiramdam ko ay ako na naman itong tatakbo palapit sa kaniya? Bakit gusto kong maramdaman muli ang kaniyang yakap? Bakit gusto kong nasa tabi niya ako ulit?

Nang makarating sa harap ng aming bahay ay nanatili na muna ako sa loob ng aking sasakyan. I know it's wrong. Alam kong mali dahil mayroon ng Renz sa buhay ko ngayon pero bakit.. bakit gusto kong kalimutan ang lahat at bumalik sa kaniya?

Nang makapasok sa bahay ay naabutan ko si Mommy na pababa ng hagdanan.

"Anak, you're early. Masama ba ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong niya.

"Why did you lie, Mommy?" napakurap siya at nag iwas ng tingin.

"What are you talking about anak?" tanong niya habang naglalakad papuntang kusina.

Agad akong sumunod sa kaniya.

"Mommy, I know that you know what I'm talking about."

"It's all in the past." sagot niya dahilan para matigilan ako. Hinarap niya ako at napabuntong hininga. "Anak, ilang taon na ang lumipas. I hope you know that I did it for you. We did it for you. Hindi makakabuti ang lalaking iyon para sayo. Ilang beses ka na bang nasaktan dahil sa kaniya? Ilang beses ka na bang umiyak dahil sa pagmamahal mo sa kaniya?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "Anak, ikaw palagi itong nasasaktan dahil sa relasyon ninyo. This time, choose yourself first. Choose to be happy. Doon ka sa taong mapapasaya ka."

"But what if I'm happy being with him?" nabitawan ni Mommy ang aking kamay at nanlaki ang mga mata. "Mommy, paano kung sa kaniya ako sasaya?" naluluha kong tanong. "Paano kung kahit nasasaktan ako siya lang din yung makakapagpawala ng sakit na yun? Paano kung siya pa din yung gusto kong piliin sa huli? Anong gagawin ko Mommy?" agad kong tinakpan ang aking mukha noong magsimulang tumulo ang aking mga luha.

"Anak." niyakap ako ni Mommy na lalong ikinabuhos ng aking mga luha. "Don't. Don't ever go to him. Tama na."

Noong medyo kumalma ako ay dumiretso na ako sa aking kwarto at hindi na muna kinausap si Mommy. Alas dose na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog. Bumangon ako at naglakad papunta sa veranda. Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Napatingin ako sa kalangitan. Sana katulad nila ay din ganoon kakalma ang aking puso at isipan.

I feel so sorry for Renz, Andrew and myself. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ako lang ang dapat sisihin ngayon. I know Renz will be mad at me once he knew it. Alam kong masasaktan siya ng todo kapag nalaman niya ang mga naiisip ko ngayon. I know he didn't deserve all of this. Minahal niya ako pero ako itong palaging may mali at pagkukulang sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung naramdaman ba niya na mahal ko naman talaga siya o hinahayaan niya lang ako dahil kahit siya, alam niyang hindi ko pa nakakalimutan si Andrew.

I love Renz but I love Andrew more at alam kong wala na akong ibang mamahalin pa ng ganito bukod sa kaniya.

Natigilan ako noong magawi ang aking tingin sa labas ng aming bahay. Hindi ko alam kung hallucination lang o talagang nakikita ko ngayon si Andrew doon. Nakatayo habang diretso dito sa akin ang tingin. Gusto ko ng pumasok sa loob pero parang napako na ang aking mga paa dito at hindi na makaalis pa. Pumikit ako, umaasa na sa muling pagdilat ay hindi ko na siya makikita pero nagkamali ako.

Kasabay ng kaniyang pagngiti ay ang pagtulo ng aking luha. Tumalikod na siya at sumakay na sa kaniyang sasakyan na ikinakaba ko. Is he leaving? Aalis na ba siya?

Tumakbo ako palabas ng aking kwarto para puntahan siya. Hindi ko na inintindi pa kung magising man si Mommy dahil sa ingay ng aking mga paa. Ang mahalaga ngayon ay maabutan ko pa siya.

Nang makalabas ng bahay ay wala na doon ang kaniyang sasakyan. Wala na siya. Nagpalinga linga pa ako pero hindi ko na siya makita. Napaupo ako sa sahig at naiyak. Napahawak ako sa aking dibdib dahil ramdam ko ang sakit doon. Rinig ko ang muling pagkawasak ng aking puso.

Nagulat ako noong may yumakap sa akin mula sa likod.

"I'm here." agad akong humarap sa kaniya ng marinig ko ang boses na iyon.

"Andrew." naiiyak kong banggit sa kaniyang pangalan.

Ngumiti siya at pinunasan ang aking mukha na basa na ng mga luha.

"Wag ka ng umiyak. Alam mo namang hindi kita matitiis di ba?" tanong niya na lalo kong ikinaiyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit na ikinatawa niya ng mahina.

"I missed you. I still do." bulong ko sa kaniya.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon