Chapter 5

3.8K 155 15
                                    

Chapter 5 - Taken

Pagdating sa campus ay ang daming ibinilin ni Drew sa amin ni Lexi. Hinatid muna nila kami sa building namin bago sila umalis.

"Ang OA naman ni Andrew. Ang daming bilin." Comment ni Lexi ng makaalis na sila Drew. Ang dami pa kasi niyang binilin sa akin.

"Ganun talaga siya. Hayaan mo na."

"You know what Nica. I think he likes you." Nakangising sabi niya.

"Imposible. Mas marami pang maganda na nakapalibot sa kaniya kaya bakit ako?"

"Why not? You're so pretty kaya!"

Nginitian ko lang si Lexi at napailing. Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Mas priority ko sa ngayon ang pag aaral.

Nakapila na kami ngayon ni Lexi para sa payment. After dito ay kukuha kami ng schedule tapos mag papa ID.

Napatingin ako kay Lexi ng magring ang cellphone niya.

"Hello Kuya?" Sagot niya sa tawag. Tumingin siya sa akin. "Yup. Kasama ko." Inabot niya sa akin ang cellphone. "Si Andrew." Napatango ako sa sinabi niya.

"Hello Drew?"

"Where the hell is your phone? Why are you not answering my calls?"

Kinapa ko sa bag ang cellphone ko at nakitang may sampung text na doon at labinlimang missed calls.

"Sorry. Nakasilent." Sagot ko at nilagyan ng tunog ang cellphone ko.

Narinig kong bumuntong hininga siya.

"Okay. Are you hungry? Gusto mo dalhan kita ng pagkain dyan?" Malambing niyang tanong kaya napangiti ako.

"I'm okay. Hindi pa ako gutom." Tinaasan ako ng kilay ni Lexi ng makitang nakangiti ako.

"Okay fine. No talking with boys okay?" Bilin niya.

"Sige. Bye."

Binalik ko na ang cellphone kay Lexi. Naningkit ang kaniyang mga mata.

"Oh ano? Nagbilin na naman na wag kang kakausap ng ibang lalaki?" Tumango ako at napairap naman siya. "Ay naku Nica! I'm telling you may gusto talaga yan sayo!"

After payment ay kumuha na kami ng schedule. Tuwang tuwa nga si Lexi kasi magkaklase kami. Papunta na kami sa room 205 para sa ID ng may humarang sa aming tatlong lalaki.

"Hi girls!" Nakangiting bati nila.

"Hi!" Ngiting ngiting bati ni Lexi.

"I'm Josh." Nakipagkamay sa amin yung lalaki na nasa kanan.

"Hans." Yung lalaki sa kaliwa.

"Calvin." Yung sa gitna. Nakatitig lang siya sa akin habang nakikipagkilala. Ngumiti ako ng konti sa kanila.

"Hi boys! I'm Lexi and this is Danica."

Sabay sabay kaming umalis para mag pa ID na. Nagkukwentuhan sila pero tahimik lang ako. Para kasing naririnig ko ang bilin ni Drew kahit wala naman siya dito.

"Tahimik ka ba talaga?" Napatingin ako kay Calvin na nasa gilid ko.

"Ah. Hindi naman." Ngiting sagot ko.

"Transferee ka? Ngayon lang kasi kita nakita."

"Ah. Oo. Pinapaaral ako nung amo ko."

"Amo mo?" Kunot noong tanong niya. "You're a maid?" Gulat na tanong niya.

"Oo."

"Really? Hindi halata ha. I mean, ang ganda mo naman para maging katulong." Manghang sabi niya.

Sasagot na sana ako ng bigla kong maramdaman ang pagpulupot ng isang braso sa aking baywang. Napatigil ako sa paglalakad pati si Calvin.

"Maganda ba?" Narinig ko ang boses ni Drew kaya nilingon ko siya. Mariin siyang nakatitig kay Calvin. "Kaya nga taken na eh."

Napatingin ako kay Calvin na nakatingin din kay Drew. Para bang nagsusukatan sila ng tingin. Nasa likod niya ang mga kaibigan ni Drew.

"Oh come on Andrew!" Hinila ako ni Lexi palapit sa kaniya kaya napabitaw si Drew sa akin. "Don't be so possessive okay?" Naiinis na sabi niya. "Nica deserves a normal life. Anong gusto mo? Ikaw lang ang kausapin niyang lalaki sa buong buhay niya? Hindi naman kayo pero ganyan ka. Baka magsawa siya sayo niyan." Banta ni Lexi.

"Lexi stop it!" Saway ni Alex sa kapatid.

"No Kuya! Iyang kaibigan mo ang pagsabihan mo!"

Hinila na ako ni Lexi paalis doon. Napatingin ako kay Drew na ngayon ay nakatitig lang sa akin.

"Lexi, hindi mo na dapat sinabi kay Drew iyon." Nag aalalang sabi ko.

"No Nica. Kailangan niyang matauhan. Hindi ka niya pagmamay ari."

"Alam ko naman kaso baka magalit iyon."

"Let him be!" Naiinis na wika niya. "You deserved to be free. Kung ang hayop nga may kalayaan, ikaw pa kayang tao?" Umiiling na sabi niya. "Matagal ko ng kilala iyan si Andrew pero hindi naman yan ganyan. Ni wala nga siyang pakialam sa mga nagiging babae niya. Kapag wala na siyang amor goodbye agad! Walang seryosong relationship yan kahit napakadami na ng mga naging babae."

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita. Kinuha ko sa bulsa ng aking pantalon ang cellphone ng maramdamang nagvibrate ito.

From: Andrew
I'm sorry. Are you okay? Nasaan kayo ngayon?

To: Andrew
Nandito sa room 205. ID.

Hindi naman nagtagal ay nagreply siya ulit.

From: Andrew
Wait for me there. Wag kang aalis dyan.

Hindi na ako nagreply sa kaniya. Umirap si Lexi ng mapatingin ako sa kaniya.

"Hay naku Nica! Ano bang pinakain mo sa lalaking yan?" Tanong niya at sumulyap sa likod ko.

Napalingon ako at nakitang naglalakad si Andrew palapit sa amin. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Sobrang gwapo talaga niya. He stands out among the rest. Matangkad. Maganda ang pangangatawan. At sobrang gwapo.

Halos sundan siya ng tingin ng mga nadadaanan niya. Nakita ko pa kung paano kiligin ang ibang babae.

Kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyari at bakit ganito siya sa akin.

Kinagat niya ang ibabang labi niya ng makitang nakatitig din ako sa kaniya. Wala sa sariling napangiti ako kaya napangiti na din siya habang umiiling.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon