Chapter 24

2K 92 19
                                    

Chapter 24 - meet the parent

"Danica! I'm still talking to you!"

Pagod kong nilingon si Mommy. Nandito na kami sa bahay at kanina pa siya nagagalit dahil nakita niyang magkahawak ang mga kamay namin ni Andrew.

"Mommy, nagkabalikan na kami ni Andrew. I love him and he loves me."

"I announced to your party that Calvin is going to be your husband tapos makikita ka na lang nila na may ka holding hands na ibang lalaki? Ano na lang ang sasabihin nila? Ni Tita Ana mo?"

"Mom, Calvin and I are just friends. I'm inlove with someone."

"But that someone already hurt you. Anak, ayaw kong matulad ka sa akin. Ayaw kong maranasan mo yung naranasan ko noon. Akala ko ipaglalaban tayo ng Daddy mo pero anong ginawa niya? Nagpakamatay siya at iniwan tayong pareho."

"Pero Mommy, magkaiba naman ang sitwasyon natin. I know Andrew will fight for us."

Natigilan siya at bumuntong hininga.

"Fine, pero kapag sinaktan ka ulit ng lalaking yan, no more chances for him." ngumiti ako at niyakap siya.

"Thank you Mommy."

"And invite him tomorrow evening. Let's have dinner together. Gusto ko siyang makilala."

Lalong lumaki ang aking ngiti nang marinig iyon. Ngumiti din si Mommy at hinaplos ang aking buhok.

"I want you to be happy, anak."

"Thank you Mommy."

Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad kong tinawagan si Andrew.

"Andrew!" masayang sabi ko noong sagutin niya ang tawag.

"You're home?"

"Oo. Hmm. Gusto kang imbitahan ni Mommy dito bukas. Gusto ka daw niyang makilala. Pwede ka ba?" tanong ko at nahiga sa aking kama.

"Of course. I would love to meet her too."

Napangiti ako at halos wala ng paglagyan ang sayang nararamdaman.

"See you tomorrow. Good night."

"Good night. I love you, Danica."

"I love you too."

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit mamayang hapon pa naman ang dating ni Andrew. Si Mommy naman ay umalis saglit para pumunta sa opisina niya.

"Ano ba ang mga paboritong pagkain ng boyfriend mo, Ma'am Danica? Ang bilin kasi ng Mommy mo kanina ay tanungin ka muna namin ng mga ihahanda mamaya."

"Paborito po ni Andrew ang adobo na may patatas tsaka sinigang." nakangiting sagot ko kay Ate Vilma.

"Okay sige. Lulutuin namin iyon mamaya." nakangiting sabi niya.

"Salamat po Ate."

Kahit malinis naman ang kwarto ko ay naisipan kong ayusin iyon. Baka kasi gusto niyang makita ang kwarto ko mamaya. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone nang magring iyon. Agad akong napangiti ng makitang si Andrew pala iyon.

"Good morning."

"Good morning babe."

"Kagigising mo lang?"

"Yup. Ano ba ang gusto ng Mommy mo para makapagdala ako ng gift para sa kaniya?"

"Mahilig si Mommy sa wine kaya iyon na lang siguro."

"Okay. Dadaan ako sa mall mamaya bago pumunta dyan."

"Sige. Mag ingat ka."

"I love you. I can't wait to see you again."

"Ako din."

"Pwede bang dyan na din ako maglunch?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Sira!" natatawang sabi ko. "Pero pwede din naman."

"I'm just kidding. Sa dinner lang ako ininvite ng Mommy mo kaya yun lang ang pupuntahan ko."

Napangiti ako ng marinig iyon. Parang hinaplos ang aking puso dahil sa respeto niya sa mga salita ni Mommy.

"See you later. I love you."

"I love you more."

After ko kumain ng lunch ay natulog na muna ako. Noong mag alas singko ng hapon ay nagsimula na din akong mag ayos.

Nagsuot ako ng isang simpleng blue dress at tinernuhan lang ng flat shoes. Hindi na din ako gaanong naglagay ng make up dahil dito lang din naman kami sa bahay.

Pagbaba ko ay nakita ko sila Mommy sa dining area na inaayos na ang hapag kainan.

"Hi Ma." bati ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Hi anak. Where is your boyfriend? Anong oras daw siya pupunta?"

"Maya maya po nandito na din siya. Sabi niya kanina 6pm siya pupunta."

"Okay. Magbibihis lang muna ako."

"Sige po."

Nang makaalis si Mommy ay ako naman ang tumulong sa pag aayos ng hapag kainan. Napangiti ako ng makita ang adobo at sinigang na ibinilin ko. May carbonara, caldereta at dalawang lechon manok pa.

"Nasa ref pa yung graham cake at buko salad na pinahanda din ni Ma'am." sabi ni Ate Lydia.

"Okay po. Salamat po." nakangiting sabi ko.

Sumilip ako sa labas at napangiti ng makitang papasok na sa aming garahe ang sasakyan ni Andrew. Lumabas na ako para salubungin siya. Nang makalabas siya sa kaniyang sasakyan ay ngiting ngiti na siya habang nakatingin sa akin. Napangiti ako ng makitang dalawang bouquet ng red roses ang kaniyang dala at isang bote ng wine.

"Welcome sa bahay namin." masayang sabi ko at agad siyang niyakap noong makalapit siya sa akin.

Hinalikan niya ako sa noo at inabot ang isang bouquet na hawak niya.

"Thanks." sabi ko at inamoy pa iyon.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon