Chapter 40

1.4K 71 17
                                    

Chapter 40 - Is he looking for me?

"Hi babe.. Babe? Hey Danica, are you okay?.. Babe?"

Iniwas ko ang tingin sa lalaking nasa aking harapan at napapikit. Huminga ako ng malalim at kinausap na ng maayos si Renz.

"Hi babe. Just want to inform you that I'm here at a bar. I'm with Lexi."

"Okay. Take care and don't drink too much."

"Yeah. Take care too."

"I love you."

Hindi ko alam kung bakit natigilan ako noong marinig ang mga salitang iyon. Hindi katulad dati ay parang hirap na akong sagutin iyon pabalik. Nakagat ko ang pang ibabang labi bago masabi ang mga salitang iyon.

"I love you too."

Binaba ko na ang aking cellphone at saglit na natigilan sa aking kinatatayuan. Why? Bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Umiling iling ako at napagpasyahan ng bumalik sa loob.

"Oh my God!" napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat noong makitang nandoon pa si Andrew at sobrang lapit pa sa akin. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko na ikinangisi niya.

"Is that how you greet your ex?" nakangising tanong niya.

Umayos ako ng tayo at saglit siyang tinitigan. Gwapo pa din at mas lumaki yata ang katawan niya ngayon. Muli akong napailing iling dahil sa mga naiisip. Really Danica?! Yan talaga ang naiisip mo sa ganitong sitwasyon?

"Then it's good to see you again. Okay na ba yun? Babalik na ako sa loob."

Humakbang na ako paalis doon pero agad ding napatigil noong hawakan niya ang aking braso.

"Ang tagal mong nawala tapos yan lang ang sasabihin mo?"

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at muli siyang hinarap.

"Ano ba ang dapat kong sabihin?"

Natigilan siya at hindi inalis sa aking mga mata ang kaniyang tingin. Nilabanan ko iyon kahit gustong gusto ko ng umalis dito at lumayo sa kaniya.

"I waited for you. Hanggang ngayon. Naghihintay ako." natawa ako at napailing.

"Talaga? Naghintay ka? Paanong paghihintay ang ginawa mo? Naghintay ka habang may kasamang iba?" kumunot ang kaniyang noo at tila naguluhan sa aking sinabi.

"What the hell are you talking about? Noong nalaman kong nagsinungaling si Angeline sa akin ay wala na akong naging ibang babae. I just waited for you. Nagtapos ako ng pag aaral at tumutulong kay Daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya."

"Talagang magsisinungaling ka pa?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Lexi told me everything."

"She's lying. Alam nila Alex na wala akong naging ibang babae."

Natawa ako at napailing iling.

"Just stop, Andrew. May boyfriend na ako. Yung kausap ko kanina siya yun. Aalis na ako."

"I love you. I still love you, Danica."

Saglit akong natigilan noong marinig iyon pero umalis pa din ako doon at bumalik sa table nila Lexi.

"Bessy. Saan ka ba galing? Ang tagal mo naman." tanong ni Lexi.

Saglit ko siyang tinitigan at naalala ang sinabi ni Andrew kanina.

"Ang sabi mo may kadate si Andrew noong nalaman niyang nagsinungaling si Angeline di ba?" natigilan siya at saglit na nilingon ang mga kaibigan namin bago ibinalik sa akin ang tingin.

"Danica. Bakit sinasabi mo yan?"

"I saw Andrew outside. Lexi, nagsinungaling ka ba?" naikuyom ko ang aking kamao at parang hindi handa sa magiging sagot niya.

"Danica, I'm sorry." parang agad akong pinanghinaan ng marinig iyon. "Sabi ni Tita kapag nagtanong ka about kay Andrew ay sabihin kong may iba na siya. I'm really sorry." tumayo siya at hahawakan sana ako pero bigla akong napahakbang palayo.

"You lied to me? You all lied to me?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Danica, it's for your own good." pagsabat ni Calvin sa usapan. "Andrew is not good for you and will never be. Palagi ka na lang nasasaktan kapag siya ang kasama mo."

"Pero hindi niyo kailangang magsinungaling." naluluha kong sambit. "Alam niyo ba kung gaano ko siya kinamuhian noong marinig kong may iba siya samantalang sinabi niya sa akin na hihintayin niya ako? I was hurt. Nasaktan ako kasi umaasa ako noong mga panahon na iyon."

"Danica, you already have Renz." natigilan ako noong marinig iyon.

Napaupo ako at nasapo na lang ang noo. Oh God! What am I even doing? Tama sila, I already have a boyfriend. Bakit pinapalaki ko pa ang issue na ito? Andrew is already on my past. Umayos ako ng upo at kinuha na ang aking hand bag.

"I'm sorry. Uuwi na muna ako. Let's meet again next time."

Umalis na ako doon at hindi na muling lumingon pa kahit tinatawag nila ang aking pangalan. Nang makasakay sa aking kotse ay napasandal ako sa upuan at napapikit.

Why am I feeling guilty? Bakit ako itong nasasaktan para kay Andrew? He waited for me.. Hinintay niya ako pero.. Napabuntong hininga ako at dumilat na.

Napatingin ako sa entrance ng bar kung saan kalalabas lang ni Andrew. Hinihingal siya at palinga linga sa paligid na parang may hinahanap. Is he.. is he looking for me?

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon