Chapter 26

1.9K 91 17
                                    

Chapter 26 - tito andrew

After class ay sinamahan ko si Andrew sa bahay ng pinsan niya. Nanganak daw kasi ang Ate Cindy niya at gusto na niyang makita ang kaniyang pamangkin.

"Buti naman at napadalaw ka." sabi ni Ate Cindy noong makapasok kami sa kanilang bahay. "Siya na ba yung girlfriend mo?"

"Oo naman Ate. May iba pa ba akong dadalhin dito?"

"Hello po. Ako po si Danica." nakangiting pagpapakilala ko.

"Hi din. Kapag niloko ka nitong pinsan ko iwan mo kaagad at wag mo ng balikan pa." sabi niya at nginisihan pa si Andrew.

Natawa na lang ako at napailing.

"Nasaan na ba ang pamangkin ko?" pag iiba ni Andrew sa usapan.

"Katutulog lang."

"Di ba sabi ko pupunta kami? Sinakto mo bang patulugin si Xavier para hindi ko makita?" pagbibintang ni Andrew.

"Isip mo talaga. Sa kusina muna tayo, nagbake ako ng cupcakes kanina."

Hinawakan na ni Ate Cindy ang aking braso at hinila na ako papunta sa kanilang kusina. Nilingon ko si Andrew na napapailing na lang habang nakasunod sa amin.

"Hobbies ko talaga ang pagbebake. Paborito din kasi ng asawa ko kaya palagi akong gumagawa." pagkukwento niya habang inilalagay sa platito ang mga cupcakes.

Namangha ako sa ganda ng katawan niya. Sobrang sexy pa din niya kahit bagong panganak. Para ngang dalaga pa eh. Hindi mo mahahalata na may anak na pala. Talagang nasa lahi nila ang magaganda at gwapo.

"Nasaan si Kuya Hans?"

"Nasa work pa. Mamayang alas sais pa ang uwi noon." tumingin sa akin si Ate at inilapit ang platito na may lamang cupcake. "Try it." nakangiting sabi niya.

Ngumiti ako at kumuha ng isa para tikman. Napangiti ako at tinignan siya.

"Sobrang sarap po. Sakto lang din sa tamis."

"Thanks."

Nagkuwentuhan pa kami doon hanggang sa marinig na namin ang iyak ni baby Xavier. Umakyat na kami sa kanilang kwarto.

"Ang cute." sabi ko noong makita ang baby na nakahiga sa crib. "Hi baby." nakangiting sabi ko at kinawayan pa siya kahit hindi ko sigurado kung nakikita na niya ba ako.

"Hi baby Xavier. I'm your Tito Andrew." kinuha ni Andrew ang bata at kinarga. "Isang buwan pa lang siya Ate di ba?"

"Yup."

Napangiti ako nang makita ang pagkasabik sa mga mata ni Andrew.

"Kailan ba kayo mag aanak?" nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang tanong ni Ate Cindy.

"Naku. Matagal pa po." awkward kong sagot.

"Pagkagraduate niya." sagot naman ni Andrew.

"Naku. Matagal pa pala. May chance ka pang iwan itong pinsan ko at mag isip ng mabuti. Napaka playboy kaya niyan." pang aasar ni Ate Cindy.

"Shut up, Ate. Hindi ako iiwan niyan at hindi din ako papayag." masungit na sabi ni Andrew.

"Ang yabang mo ha." natatawang sabi ni Ate.

"Ganoon talaga kapag confident." tinignan ako ni Andrew. "Wag kang makikinig dyan ha. Good boy na ako." napangiti ako at tumango na lang.

Hindi din naman nagtagal ay dumating na din si Kuya Hans na asawa ni Ate Cindy. Pinipilit pa nila kami na doon na magdinner pero tumanggi si Andrew dahil nakapagpa reserve na siya sa restaurant.

"Okay. Mag ingat ka sa kaniya, Danica." natawa na lang ako sa pang aasar ni Ate Cindy kay Andrew.

"Salamat po. Bye po." nakangiting sabi ko.

"Alam na alam ni Ate Cindy ang mga kalokohan mo noon ah." sabi ko kay Andrew noong makasakay kami sa kaniyang sasakyan.

"Well, I'm a playboy back then. Halata naman di ba? Ate Cindy and I grew up together. Ilang taon din kaming magkasama noon sa US kaya alam niya lahat ng kalokohan ko." sinulyapan niya ako saglit at hinawakan ang aking kamay. "But I changed because of you."

"Talaga lang ha? Kapag nagloko ka talaga iiwan kita agad. No more explanations and no more chances." pagbabanta ko.

"Which is not going to happen. Magloloko pa ba ako eh nasa akin ka na." sabi niya at kinindatan pa ako na ikinatawa ko.

"Bolero ka talaga."

Hinalikan niya ang aking kamay na ikinangiti ko.

----------

Double update guys! Pambawi hahahaha. Enjoy reading and stay safe 💕

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon