Chapter 16

2.6K 113 45
                                    

Chapter 16 - tapos na

"Babe, wait. What happened? Ano bang nangyari sayo at bakit ka nagkakaganyan?" gulung gulo niyang tanong.

"Ayaw mo ba?" lakas loob kong tanong.

"Of course I want too but not now. You don't look okay to me. Ano ba ang nangyari? Inaway ka na naman ba sa inyo?" nag aalalang tanong niya.

Imbes sagutin ang kaniyang mga tanong ay hinalikan ko na lang siya. Humawak ako sa kaniyang balikat habang hinahalikan siya. Hindi rin naman nagtagal ay hinalikan na niya din ako.

Yan, ganyan nga. Ito ang gusto mo di ba?

"Babe please. Stop what you're doing." hinihingal niyang sabi noong lumayo akong muli sa kaniya.

"Bakit? Am I not sexy enough for you?"

"Of course not. You're the most beautiful I've ever seen."

Bigla akong nanghina ng marinig iyon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at napaiyak na lang sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Babe, why are you crying?" sinapo niya ang aking mukha at pinunasan ang basang pisngi ko.

"T-tapusin na natin 'to." hirap kong sambit. Naramdaman ko ang pagkatigil niya kaya naman muli ko siyang tinignan. "Ikama mo na ako para m-matapos na ang lahat ng ito."

Kitang kita ko ang dumaang takot sa kaniyang mga mata. Muntik na naman akong maniwala doon pero agad kong pinigilan ang aking sarili.

"What the hell are you talking about?"

"Pinagpustahan niyo lang ako di ba? Ano ba ang makukuha mo kapag nanalo ka?"

"Danica, it's not.."

"It's not what I think? Narinig ko mismo sa mga kaibigan mo. Akala ko totoo ka. Akala ko talagang gusto mo ako." tumayo na ako at lumayo sa kaniya.

Tumayo din siya at akmang hahawakan ako pero agad na akong umiwas.

"Babe please, let me explain. Magpapaliwanag ako." pagmamakaawa niya.

"Pagod na ako. Pagod na akong makinig, maniwala at umasa sa mga sinabi at sasabihin mo pa. You won." nginitian ko siya ng tipid. "Ipagmalaki mo na lang sa mga kaibigan mo na may nangyari sa atin para makuha mo na ang premyo mo."

Tumalikod na ako at aalis na sana pero bigla niya akong niyakap mula sa likod na ikinatigil ko.

"No. No, just please listen to me babe. Totoong pinagpustahan ka namin." napapikit ako ng marinig iyon mula sa kaniya mismo. "But I really love you. Natutunan kitang mahalin. Wag mo akong iwan, please. I'm sorry. I'm sorry babe."

Huminga ako ng malalim bago inalis ang kaniyang mga kamay na nakayakap sa akin.

"Kalimutan na lang natin ang isa't isa. Isipin na lang natin na bangungot lang ang lahat ng ito, Sir Andrew."

Umalis na ako doon kahit ilang beses niya pa akong tinawag. Nang makapasok sa aking silid ay agad kong nilock ang pintuan. Kinuha ko ang aking travelling bag at nilagay doon lahat ng aking mga gamit. Kinuha ko lang ay yung mga dala ko dito at iniwan na ang mga natanggap ko mula sa kanilang pamilya.

Hindi ako huminto kahit naririnig ko na ang pagkatok at pagsigaw ni Andrew sa labas.

"Danica! Babe, please! Don't do this. Let's talk! Danica, please! I'm sorry."

Hinayaan ko lang na tumulo ang aking mga luha. Mas gusto ko na lang na matapos na ang lahat ng ito. Gusto ko ng umalis dito. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya pang makita siya.

"Andrew. Ano bang ginagawa mo dyan, anak?" dinig kong tanong ni Ma'am Ara.

"Drew, what's happening? Inaway mo ba si Danica?" boses iyon ni Sir Arthur.

"Mom, please. Kausapin mo siya. Kumbinsihin mong wag niya akong iwan. Please, Mom."

Kinuha ko na ang aking bag at lumabas na. Sabay sabay silang lumingon sa akin at nanlaki ang mga mata ni Andrew ng makita ang aking bitbit.

"Babe, no." nanghihinang sabi niya.

"Hija, ano ba ang nangyayari sa inyo?" nag aalalang tanong ni Ma'am Ara.

Nginitian ko sila ni Sir Arthur kahit na umiiyak pa din ako.

"Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin dito Ma'am Ara at Sir Arthur. Kailangan ko na pong umalis. Pasensya na po at hindi ko na maitutuloy yung pag aaral ko. Maraming salamat po sa inyo." yumuko pa ako bilang paggalang.

"Babe."

"Danica, baka naman pwede niyong pag usapan ito?" tanong ni Sir Arthur.

"Wala na po kaming dapat na pag usapan. Aalis na po ako. Mag ingat po kayo palagi."

Sa huling pagkakataon ay muli kong tinignan si Andrew na ngayon ay umiiyak na din.

"Sana maging masaya ka." huling sabi ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon