MULA NGAYON MALAYA KA NA

249 4 0
                                    

"Mula ngayon malaya ka na"

Naranasan mo na ba?
Naranasan mo na bang mapaglaruan ng tadhana?
Yung akala mo masaya na kayong dalawa pero may hahadlang pala?
Kasi ako?
Oo.

Oo naranasan ko,
Naranasan ko ang mag mahal at maging masaya.
Pero nakalimutan ko na ang bawat saya ay may lungkot na dala.
Gusto kong ipagsigawan na akin ka na,
Kaso humahadlang ang salitang "makikialam sila".

Naaalala ko pa nun kung pano ka ngumiti at tumawa,
At ngayon sinasariwa ko nalang saking mga alala
Bakit ba ang lupit nila?
Di ba nila alam na mahal natin ang isat isa?

Ilang buwan ang lilipas na hindi kita makikita.
Mga luhang pinipigilan ko ay kumakawala na.
Oo, matapang ako pero pag dating sayo humihina ako,
Kung ako si Superman ikaw ang kryptonite ko.
Pag dating sayo na-uubos ang lakas ko.

Gusto kong malaman kung bakit ayaw nila sakin para sayo?
Mukha ba akong Loko-loko? Ikaw lang naman naging dahilan nito.
Alam kong nasasaktan ka na at nasasaktan na din ako.
Pero hindi pa'to ang panahon para bumitaw ako
Hanggat kaya ko panghahawakan ko ang salitang mahal kita.

Pero sana wag kang mapagod na lumaban para sating dalawa
Dahil pag dumating ang oras na yun,
Pangako kahit masakit, MULA NGAYON MALAYA KA NA.

By: Christine Jade

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon