TAPOS NA TAYO

217 3 0
                                    

" Tapos na tayo "
Isinulat ni: Leslie Docallos

Mga salitang nagpaguho ng aking mundo
Mga salitang ayokong marinig galing sayo
Mga salitang katapusan ng ikaw at ako
Dahil alam kong wala nang tayo

Mahirap unawaiin pero kailangan tanggapin
Tanggapin na naglaho na ang iyong damdamin
Damdamin na parang kailan lang kasing init ng pagmamahalan natin Pagmamahalan natin na kahit kailan di na maibabalik ng dati

Ano nga ba ang iyong dahilan?
Dahilan upang ika'y lumisan
Dahilan upang ako'y iyong iwasan
Dahilan upang ako'y iyong iwanan

Nagtataka, Nalilito
Nagtataka, Nalilito kung bakit ganito?
Kay bilis mawala ng pagmamahal mo
Parang sa isang iglap wala nang tayo

Gusto kong umiyak na parang wala nang bukas
Bukas na alam kong hindi na kita maabutan pa sa aking tabi
Mahal kita pero mas mahal mo siya
Sige pinapalaya na kita

Ayokong nakikita kang napipilitan
Napipilitan sa relasyong kahit kailan di ka pinasaya
Di ka pinasaya ng mga alaala nating dalawa
Na ngayo'y katotohanan na pala

Akala ko pareho tayong masaya
Nakakalungkot ngunit isang kasinungalingan lang pala
Sa bawat oras at sandali na masaya ako
Kabaliktaran pala ng nararamdaman mo

Malimig na naman ang panahon
Sumabay pa sa nararamdaman ko ngayon
Tapos na ang lahat sating dalawa
Kaya kailangan nang ilipat ang pahina

Nang sa gayon ang bawat isa
Magkaroon ng kasiyahang nararapat sa isa't isa
Maraming salamat sa alaalang ibinahagi mo sakin
At sana maging masaya kana sa bago mong kinakasama

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon