NASAKTAN DIN AKO NUNG INIWAN KITA

802 3 0
                                    

Nasaktan din ako nung iniwan kita.
By: Rica Baira
.
.
Nasaktan din ako nung iniwan kita,
Umiiyak din ako kapag naalala ka.
Hindi makatulog sa gabi kapag namimiss ka na,
Dahil hindi naman kita iniwan para ako yung sumaya.

Nasaktan din ako dahil mahal naman kita,
Mas pinili lang lumayo dahil parang may mali na.
Iniwan kita, hindi dahil may iba,
Ito'y dahil ayaw ko ng ika'y masaktan pa.

Kung inaakala mong ako'y masaya na,
Pero pasensya na dahil nagkakamali ka.
Nasaktan din ako ng sa harap ko'y nagmakaawa ka,
Ng sabihing 'Ayusin natin to kasi kaya ko pa.'

Nang makitang umiyak ka nadurog ako, hindi ko lang sinabi,
Tuwing nakikita kang nakangiti, kahit napapaiyak kita tuwing gabi.
Bakit nandito ka parin nanatili sa aking tabi,
Kahit puro hikbi nalang ang naiidulot ko sayong labi.

Nasaktan din ako ng iniwan kita,
Mas pinili ko lang lumayo para makalaya ka na.
Sa mundo nating tila ikaw ay nadaya,
Patawad mahal, sa mga sakit na karaniwa'y aking sinadya.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon