Limang Salita

104 0 0
                                    

  Limang Salita
By Kenneth Lacanaria Duarte
Kay raming mga bagay na gustong sabihin
Ngunit hindi alam kung paano bibigkasin
Kaya eto, idadaan nalang sa tula
Mga salitang pilit itutugma
Para masabi ang limang salita
Pasensya na kung ito'y mahaba
Una. Patawad.
Patawad sa lahat
Patawad kung ako'y biglang lumisan
Nang hindi nasabi ang dahilan
Dahil baka hindi mo maintindihan
Inaamin ko, nasa akin ang kamalian
Pangalawa. Salamat.
Salamat sa lahat.
Bawat minutong kasama ka
Walang mapag-lagyan ang saya
Lahat ay naging memorya
Na masarap balik-balikan
At kailan ma'y di ko na mararanasan
Pangatlo. Pagtanggap
Sa dami ng tao, ako ang iyong tinanggap
Kapag kasama ka, hindi na kailangan pa magpanggap
Ngunit may isang bagay na kailangan ng pagtanggap
Ako, sa sarili ko, at sayo, para sayo
Na natapos na ang tayo
Pang-Apat. Pangako.
Ako sayo'y may mga pangako
Na alam kong ako rin ang pumako
Kaya't hayaan mo akong tupadin
Ang pangako ko sa sarili
Iyon ang ika'y papasayahin
Kahit hindi sa aking piling
Pagkat iba na ang iyong pinili
Pang lima. Mahal.
Ito na ang huli
Ito na ang wakas
Salitang kailan ma'y di ko nabigkas
Ngunit kung maibabalik muli
Ang mga pagkakataong lumipas
Ay hindi ko na ipapalampas
Sana'y dumating ang oras
Na wala nang wakas
Tanging ikaw lamang at ako
Sa loob ng ating palasyo
Kung saan malaya tayo
At dito ko na tatapusin
Itong tulang walang tunguhin
Kundi ang maparating
Na ikaw pa rin  

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon