MAHAL PA RIN KITA PERO TAMA NA

595 4 0
                                    

MAHAL PA RIN KITA PERO TAMA NA

Susuko na ako.
Gusto ko nang bumitiw, hindi dahil iba na aking gusto,
Kundi dahil napapagod na ako.
Nakakapagod nang panghawakan ang mga pangako mo,
Pangakong hanggang dulo ay tayo.

Nahihirapan na akong paniwalaan ka.
Baka kasi maulit lang ang sakit na aking nadama.
Noong tayo'y nagkakalabuan na,
Mahal pa rin naman kita, kaso nakakapagod na.

Tama na wala nang patutunguhan ito kung ating ipagpapatuloy pa,
Sapagkat habang tumatagal pareho lang natin nasasaktan ang isat isa.
Masyado nang masakit para paniwalaan ka pa,
Sa iyong mga magagandang salita.

Alam kong hindi lang ako ang babae sa mundo,
Alam kong hindi lang ako ang mamahalin mo.
May isang binibining nakatadhana sa iyo,
Na siyang magpapatibok muli ng iyong puso.

Wag kang mag-alala,
Hindi mo na ko kailangang alalahanin pa.
Sapat na sa akin na makita kitang masaya,
Kahit pa ang kasiyahang iyon ay sa piling na ng iba.

By: LadyMae Reyes Claridad

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon