ITO NA ANG HULI

437 3 0
                                    

"ITO NA ANG HULI"
ni: Joanna Javier

Matagal ko ng sinabi sa sarili ko na tama na,
Matagal ko ng inisip na hindi ka na babalik pa,
Matagal ko ng pinaniwalaan na nakahanap ka na ng iba,
Matagal-tagal na din, ilang buwan na.
Hindi ko alam kung saan ako nagkamali,
Hindi ko alam kung may mali ba akong nasabi.
Hindi ko alam, gulong gulo ako,
Gulong-gulo ako ng iwanan mo ako.
Ang tagal bago ko napagtanto,
Napagtanto ko na iniwan mo na pala ako.
Hindi ko kasi namalayan, mahal ko.
Parang nung isang araw masaya pa tayo,
Tapos pag gising ko wala ka na sa tabi ko.
Hinahanap ko yung presensya mo,
Pero wala na, hindi na kita makita pa.
Hindi mo ako binigyan ng dahilan bago mo ako iniwan,
Hindi ko alam kung ano ang iyong dahilan.
Siguro ay nakahanap ka na ng iba,
Yung mas sexy, maputi, at mas maganda.
Yung pwede mong ipagmalaki sa tropa,
Yung pwede mong ipakilala sa pamilya,
Yung matalino gaya ng iba.
Mahal, patawad kung hirap akong kalimutan ka,
Ilang buwan na nga ang nagdaan,
Ilang buwan na din pala akong nakakakulong sa kalungkutan.
Patawad mahal ko kung hindi na din ako nagparamdam,
Takot na kasi akong muling maiwan.
'SEEN' ito na yung pagpapahiwatig na tama na,
Kaya mahal, mag iingat ka.
Balang araw, makakalimutan din kita.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon