NAGMAHAL UMAMIN NA-FRIENDZONE

206 3 0
                                    

"NAGMAHAL, UMAMIN, NA-FRIENDZONE"
ni: Joanna Javier

Gusto kita matagal na,
Gusto kitang makita pagsapit ng umaga,
Gusto kong makausap ka at makasama,
Gusto kong bumuo ng ala-ala kasama ka,
Gusto kita at lumalalim na,
Hindi ko na kayang pigilan pa.
Nandito ako sa isang dulo,
Tinitignan ang 'yong anggulo,
Mga ngiti mong nakakaloko,
Lalong nagpapatibok ng aking puso.
Natatakot ako na umamin sayo,
Walang lakas ng loob para sabihin sayo,
"Gusto kita, oh giliw ko,"
Nakakahiya, medyo kumplikado.
Hindi alam ang sasabihin ko,
Pano ko ba sisimulan 'to?
Iisa lang naman ang gusto ko,
Ang maramdaman mo ang pagmamahal ko.
Ngunit paano kung takot ako,
Natatakot akong umamin sayo,
Dahil baka hindi ako yung tipo mo.
Isang araw, nilakasan ang loob ko,
Pinagdasal na sana gabayan Niya ako,
Dumating na nga araw na ito,
Umamin at nagtapat na nga sayo,
"Gusto kita matagal na, mali pala dahil mahal na kita."
Nakita ko ang ngiti sayong labi,
Ako ay nabuhayan nang muli.
"Pasensya na, pero hanggang kaibigan lang talaga."
Parang gumuho ang mundo,
Parang nabingi ang tenga ko,
Parang gusto kong manakit ng tao,
Pero hindi, kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Nasasaktan ako pero ngumiti ako,
Hindi ko pinakitang nasaktan ako sa sinabi mo,
"Ok lang, nandito lang ako pag kailangan mo ako,"
Nagmamahal lang naman ako,
Hindi inisip na mangyayari 'to,
Wala akong pinagsisisihan sa pag amin ko,
Ang mahalaga nga ay nasabi ko,
Na gusto kita, na mahal kita.
Napapangiti na lang ng wala sa oras,
Napapaisip bakit hindi ganto kapatas.
Nagmahal, umamin, na-friendzone.
Siguro hindi pa ito ang tamang panahon.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon