HINUBARAN MO, BINIHISAN KO

121 2 0
                                    

"HINUBARAN MO, BINIHISAN KO"

By: John Randolf S. Visitacion

Ikaw ay aking hahalikan at itulak sa iyong higaan.
Dahan dahang hubarin ang masalimoot mong nakaraan.
Patitirikin mga mata mo sa pamamagitan ng kaligayahan.
At lalaspagin sa katotohanan, hindi sa kasinungalingan.

Ngayon ay akin ng lalamasin ang malambot mong puso.
Tatanggalin ang sagabal na nagpaguho sa mundo mo.
Alam kong hindi ka masasaktan 'yan ang TITIyakin ko.
Dahil kasyang-kasya lang sayo itong dala-dala ko.

Gagawin ko ang lahat na posisyon na aking nalalaman.
PaTITIgasin ko uli ang puso mong napuno sa kalungkutan.
At isisigurado ko sa iyo na ikaw ay malabasan.
Malabas 'yang lahat na kirot sa puso mong duguan.

Ngayon ay pumatong kana sa malaki at mahaba kong braso.
Idiin mo ang basang luha na sinayang mo.
Hanggang makaraos ka sa sarap ng posisyon na ginawa ko.
Posisyong ikaw ay akin, at ako ay sayo.

Ipuputok ko na sa butas mo itong dala-dala ko.
Alam kong maliit lang ito pero siguradong kasya 'to sayo.
Paluluhurin kita at isusubo ko na sa daliri mo.
Itong singsing na dala ko para sayo mahal ko.

Oo singsing ang kargada kong dala.
Dahil ang TITIyakin ko ay mabihisan kita ng saya.
Alam kong nasarapan ka at napangiti ng kay'ligaya.
Gusto ko kasi sa simbahan ang huling tagpo nating dalawa.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon