PAALAM MUNA

118 3 0
                                    

"PAALAM MUNA"
Ni: Gwendilyn Tajores

Babe sabi nga nila
Walang permaninte sa mundo
Lahat nagbabago
Oo babe
Nagbago ng lahat sayo
Nagbago na lahat pati ang tayo
Ay! WALA PALANG TAYO
Oo babe
Wala ngang tayo
Pero bakit babe?
Bakit ako nasasaktan ng ganto?
Siguro nasasaktan ako ng ganto
Dahil sa mga pangako mo
Mga pangako na sabi mo
Hihintayin mo ako
Pero bakit babe?
Bakit parang ako nalang palagi ang lumalaban?
Bakit parang ako nalang ang nasasaktan?
Bakit parang wala lang sayo ang lahat?
Bakit naman ang unfair mo?
Siguro di mo na kayang tuparin yong pangako mo
Pangako mo na,
Ako lang ang hihintayin at mamahalin mo
Pero babe sana sinabi mo nalang
Sinabi mo nalang na di na ako
Hindi na ako yung taong nagpapasaya sayo
Hindi yung pinapakita mo parin sa akin na ako lang
Pero alam ko naman na ika'y nagsisinungaling lang
Babe ang unfair diba?
Ang unfair, unfair mo talaga
Babe maiintindihan naman kita
Kung talagang sawa kana
Kaya babe hiling ko lang, na sana
Na sana sabihin mo na
Ngayon na
Para di na ako aasa pa
Pero babe kung di mo kayang sabihin sa akin
Ang mga bagay-bagay na alanganin
Siguro panahon na
Panahon na para sarili ko muna
Bibitawan na kita
Para ika'y makalaya na
Pero babe wag kang mag-alala
Naniniwala naman ako, kung TAYO
TAYO TALAGA
Hihintayin parin kita
Hanggang sa dumating ang panahon na sigurado kana
At tayo'y pwede na
Pero sa ngayon palalayain muna kita
Sana maging masaya ka
Salamat nga pala sa mga ala-ala
Mga ala-ala na sana maulit pa
Maulit pa na ikaw parin ang kasama
Pero sa ngayon...
PAALAM MUNA.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon