Move-on

76 0 0
                                    

MOVE-ON
Ni: NikkiBianca

Anim na letrang matagal ko ng ginawa
Makalimutan lang kita
Anim na letrang masakit sakin
Dahil hindi mo nman ako kayang mahalin

Ikaw ay aking kinalimutan na
Pero bakit sa tuwing nakikita kita
Na may kasamang iba
Sakit ang aking nadarama

Na bakit ko pa to sayo nararamdaman
Kung tuluyan na kitang kinalimutan
Kung ang anim na letra
Ay akin ng ginawa

Naalala mo pa ba?
Yung mga oras na kasama kita
Yung mga oras na masaya tayo sa isat isa
Yung mga oras na MAHAL PA KITA

Naalala mo pa ba?
Kung paano nawala
Nawala ang ating samahan
Dahil sa INYONG kalandian

Teka? Kasintahan ba kita?
Oo nga pala kaibigan lang kita
Oo may nararamdaman ako sayo noon
Pero sa paglipas ng panahon

Aking napagtanto
Na hindi ako tanga para mahumaling sayo
Hindi ako magpapakatanga
Para lang makuha kita

Hindi ako magpapakatanga
Kung alam kong may mahal kana
Hindi ako magpapakatanga
Para lang makasama kita

Kahit na alam kong kaibigan lang kita
Pero MINAHAL PARIN KITA
Pero ano? May nangyare ba?
May nagbago ba?

Ang Anim na letra
Ay akin ng ginawa
Makalimutan lang kita
Makalimutan ko lang na MINAHAL PA KITA

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon