ANG HIRAP

137 3 0
                                    

"Ang Hirap"

Mahirap mainlove sa isang kaibigan.
Dahil di mo alam kung pareho ba kayo ng nararamdaman.
Mahirap mainlove sa isang kaibigan.
Lalo na kung ang pag kakaibigan na ninyo ang pinag uusapan.

Makailang beses ko ng nais ipag sigawan ito.
Ngunit ako'y natatakot sa magiging resulta nito.
Natatakot ako na mag bago ang pakikitungo mo sakin
Natatakot ako na baka lumayo ka sakin.
Natatakot ako,Oo natatakot ako na baka mawala ka sakin.

Kaya napag pasyahan kong itago nalang.
Sagayon sa akin ay di ka mailang.
Itinago ko sayo ang tunay kong nararamdaman.
Kahit na ako ay nahihirapan.

Hanggang sa nalaman kong may nobyo ka na.
Para bang ako'y nanghina
Ng makita ko kayong dalawa.
Dahil ang nobyo mo ay kaibigan nating dalawa.
Dahil pwepwede naman pala.
Gustuhin ko 'mang mag wala.
Para saan pa wala din naman akong mapapala.

Sana pala noon pa ay inamin ko na kahit na ako ay mabigo.
Ng hindi ganito ang puso ko' nadurugo.
Oo nadudurog at nadudurog at nadurugo ako.

Kung nag karoon lang ako ng lakas ng loob.
Edi sana ako ang nag papasaya sayo.
Edi sana ako ang nag papakilig sayo.
Edi sana walang kayo.
Edi sana ang mayroon ay tayo.
Edi sana ang minahal mo ay ako.

By:Jelous Mask

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon