P.S I Love You

103 0 0
                                    

" P.S. I Love You "
By: Reyna

Para sa taong aking hinahangaan,
para sa taong aking pinahahalagahan,
para sa taong aking nais makausap,
para sa taong aking pinapangarap,
pakisabi sa kanya,
na mahal ko siya.

Pakisabi nalang sa kaniya na lagi akong nandito,
handang dumamay kapag puso niya'y bigo.
Pakisabi nalang sa kaniya na maaari niya akong tawagan
kahit kailan niya gusto.
Handa akong maging panyo
na tagapunas sa mga luha niyang tumutulo.

Ilang beses ko ng sinubukang sa kaniya'y iparamdam.
Ilang ulit ko ng sa kaniya'y ipaalam,
ngunit ewan ko ba,
tila hinihila akong paatras ng aking kaba,
at pinipigilan ako lagi ng aking pagdududa.

Noong ako'y naglakas loob na sumubok aminin 'tong akin lihim na pagtingin,
sa isang mensahe,
sa wakas akin na ring nasabi ang salitang
" Mahal Kita" ,
oo sinabi ko sa kaniyang mahal ko siya,
ngunit di siya naniwala.
Bagkos siya ay napatawa.
Kaya ito'y aking dinugtungan ng mga salitang
" Ipasa mo ito sa sampung tao sa loob ng isang minuto, kundi mamalasin ang buhay pag-ibig mo "

Nakalusot na naman ako.
Pagtingin ko sa kaniya'y muli ko na namang naitago.
Kaya pakiusap,
ikaw na lang ang magsabi sa kaniya
na mahal ko siya.
Pakisabi nalang.
Pakisabi nalang ang mga salitang hindi ko magawang aminin sa kaniya.

Pakisabi nalang sa kaniya ang tunay kong nadarama,
kapag hindi na kami pwede sa isa't isa,
para di na ako aasa pa.
Pakisabi nalang sa kaniya na mahal ko siya,
kapag ako'y tuluyang sa kaniya'y nakalayo na.
Pakisabi nalang.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon