Sabit

41 0 0
                                    

"SABIT"

Dahil mabagal ka,
Ito ka ngayon nag mamadali
Pilit ipinagsisiksikan ang sarili
Kahit na mali.

Alam mong delikado pero sumugal ka,
Dahil sa alam mong may patutunguhan pa.
Ang problema'y nahihirapan ka na,
Sa sitwastong sabit ka nga lang pala.

Di mawala sa isipan,
Ang pag-asang may bababa.
Kung inagahan mo lang sana
Siguradong nakahanda na
Ang iyong pwesto sa buhay niya.

-SHIELA :)

#TSWPoetry
#TulaNgBuhay

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon