ANG PABORITO KONG SUPERHERO

369 3 0
                                    

''Ang Paborito Kong SuperHero"
-flxmeo

Sa pag ikot ng mga kamay ng orasan,
Kasabay ang likot ng takbo ng isip ko.
Hindi ko alam kung tama pa ba ang narardaman,
o napapasabay lang sa saya na pinaramdam mo.

Papaano pala kung totoong may hangganan ang saya?
Papaano pala kung, hindi tayo para sa isat isa?,
Mamahalin mo pa rin ba ako?
Gagawa ka pa rin ba ng paraan para mapasaya ako?.

Nakakatakot diba?
Nakaka alarma.
Nakaka bahala na baka hindi na tayo magkita.
Nakaka baliw na baka hindi naman talaga tayo para sa isat isa.

Pero kung ganoon man,
'Wag kang mag alala.
Sabay nating haharapin ang hiwaga,
Sabay nating hahawakan ang mga kamay hanggang sa tayoy makalimot na.

Ang mga ala ala na naipon ay sabay nating ikakahon,
Mga tawanan at biruan na bumuo sa ating kahapon.
Mga luha at lungkot na hndi makalilimutan,
Mga pagkakataong ikaw at ako ang tanging kasiyahan.

Teka, May "Ikaw at Ako" ba talaga?,
o "Ako" lang?.
Meron nga ba talagang "Tayo"?
o Kathang isip ko lang?.

Mapag laro ang tadhana,
Maaaring may ligaya o luha.
Kung ano man ang nadarama,
ikaw na ang bahala.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon