Wala ng halaga

69 0 0
                                    

"Wala ng halaga"

Wala ng halaga,
Hindi na masaya,
Lalaban pa ba?
Kung sukong suko ka na?

Saan ka lulugar?
Magpapalubog ba sa lahar?
Mananatili bang nakatindig?
O mahuhulog nalang sa sariling bisig?

Litong lito ako,
Hindi alam kung saang tutungo,
Tama pa ba tong ginagawa ko?
Tama pa ba itong pag-ibig ko sayo?

Nandito ako sa punto na kung saan,
Hindi mahanap ang kasagutan,
Wala ng maisip na dahilan,
Kung ang tayo ay mananatili pang maipaglalaban.

Sana magsalita ka,
Kausapin mo ako kahit sa mata,
Para malaman ko,
Kung dapat ko na bang bitawan ito.

Itong pangako natin sa tala,
Na tayong dalawa,
Hanggang sa walang katapusan,
Ngayon ay nanganganib ng mawakasan.

Ayokong mawala ka pa,
Pero ayaw ko na ding manatili ka,
Sobrang sakit na,
Tayo ba talaga o laro laro nalang ang pinapakita?

Ano ba talaga?
Bakit ba ganito kalala?
Pananatilihin pa ba ang selyo ng pagmamahalan natin sinta,
O tuluyan ng mababakbak para maipakitang lahat ay wala ng halaga pa.
.
SiopaonaAsado
Ian C.L.V

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon