AKALA

67 2 0
                                    

 "AKALA"

  BY:MARKLY GO

akala ko noon, di ko kaya ang wala ka,
nasa pananakot mong lilisan ka,
ay eto akong parang tangang nagmamakaawa sayong wag nang lumisan pa,
kasi nga di ko kaya, na sa mga kasinungalingan na pinagagawa mo,
ay handa ka parin patawarin nang pusong ito,
kasi nga takot akong mawala ka sa piling ko,
akala ko hanggang buhay na akong maging sunod-sunoran mo,
na sa isang pitik lang ng mga daliri mo ay nasa harapan muna agad ang iyong gusto,
akala ko buong buhay na akong ganito ,

pero yung mga akalang yun ay unti-unting nag-iba ,
na para bang na gaano man kalakas ang ulan na dumating,
sa huli ay huhupa at huhupa din,
bigla akong nanlamig ,
na kahit ilang plastic pa nang kasinangualingan ang iyong nagagawa ay di ko na pansin,
di ko na maramdaman,
di ko na mapakialaman ,
umabot nalang sa puntong nabigkas nalang nang mga labi kung itong "tama na , ayoko na " at doon ko na pag tanto , na sumuko na pala ang puso ko sayo , di ko lubos maisip na ang mga AKALA ko noon ay pwede palang maging ALAKA na sa buhay ko ngayon , masaya na ako dahil na sa pag-aakalang di ko kayang bitawan ang mga akala kung napagdaanan sa iyo, ay nagawa ko .

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon