MAY HALAGA BA ANG ISANG TULAD KO

176 3 0
                                    

"May halaga ba ang isang tulad ko?"

Bakit nga ba tayong mga tao ay sanay na masaktan?
Bakit nga ba tayong mga umiibig ay kailangan maging matapang?
Bakit nga ba lahat ng bagay sa mundo ay may kahulugan?
Bakit nga ba yung taong gusto natin ay hindi tayo gustong ipaglaban?

Ang saklap ng pangyayaring masaya ka sa relasyon na hindi naman talaga tatakbo,
Ang gara ng panahon na kung kailangan seryoso ka na saka naman nya gagawing biro,
Ang lupit ng tadhana na pinagtagpo lang tayo pero hindi naman ako para sayo,
At sobrang nakakainis yung mga oras na gusto na kitang kausapin kung totoo ba yung pagmamahal mo kaso iniiba mo yung usapan kasi ganun tapos ganito.

Nakakawalang gana yung bawat minuto na kasama kita tapos may iniisip ka naman palang iba,
Nakakabanas yung bawat minutong nagagalit ka sakin kasi inaaway ka pala nya,
Nakakawalang bahala yung mga segundong halos sayo na ako nakatitig tapos parang wala lang lahat sayo,
At nakakabwisit yung mga segundong nakahawak ako sa kamay mo habang iniisip mong siya nalang sana yung kasama mo.

Kulang pa ba yung sinabi kong mahal kita?
Kulang pa ba yung pinaramdam ko sayong ikaw na nga?
Kulang pa ba yung mga nagawa ko para ika'y sumaya?
Kulang pa ba yung oras na binigay ko para maka-usap ka?
Kulang pa ba yung panahon na pinili kitang kasama kaysa sa mga tropa?
Kulang pa ba yung tadhana na naglalapit sa ating dalawa?
Kulang pa ba yung panliligaw ko sayo araw-araw sinta?
Kulang pa ba yung halos bente kwatro oras na tayo'y magkasama?
Kulang pa ba yung animnapung minutong kausap kita?
Kulang pa ba yung bente kwatrong segundo na titigan para tumawa ka?
Kulang na kulang pa ba ako sayo sinta?
Ano pa bang kulang?
Kulang nalang ba yung mamatay ako para maisip mo yung naitatago kong halaga?
By: Veramie Talara
Spoke Poetry
2018

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon