nakaraan

87 0 0
                                    

"Nakaraan"

Dapat ng kalimutan,
Masayang mga alaala natin,
Pagmamahalan na dati'y masaya,
Ngunit ngayo'y wala na,
Nakaraan natin na di ko malimot,
Dahil narito kaparin,
At di maalis saking isipan,
Nakatatak kana saking puso,
Masaya kana sa iba,
Ngunit bat ako di ko makaya,
Pilitin ko man ang sarili,
Diko parin magawang maging masaya,
Diko magawa mag mahal ng iba,
Kahit na napakaraming dumarating,
Diko sila magawang mahalin,
Lagi parin ikaw ang hinahanap,
Napakahirap mong kalimutan,
Napakahirap mong palitan,
Diko matanggap na ikay masaya na,
At eto ako nag mumokmok parin,
Masasabi ngang minahal kita ng totoo,
Naging tapat at seryoso,
Pero bakit ikaw ang dali mokong palitan,
At makahanap ng iba,
Minsan naiisip ko na lng,
Magpaturo kaya ako sayo,
Kaso natatakot ako,
Baka sabihin mo lng sakin na papansin ako,
Anong magagawa ko,
Ngayon na masaya kana sa kanya,
Guguluhin pa ba kita?,
O mananahimik na lng at itatago ang nararamdaman?,
Paalam na lng,
Masaya ako at nakilala kita,
Lalayo at di na manggugulo,
Asahan mo yan,
Paglipas ng maraming panahon,
Pagibig ko sayo'y mawawala din,
Magiging masaya din ako,
Paalam na mahal ko!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon