Pagod kana Pero minahal Mo pa

63 1 0
                                    

"Pagod kana, pero minahal mo pa"

Alam mo ba na mahal kita ?
Pero hanggang doon nalang talaga,
Sinasabi ng puso ko akin ka
Pero sabi ng isip ko ay tama na.

Susuko na lamang ba o ipaglalaban pa
Ako ay nalilito na ng sobra,
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Sapagkat ang alam ko lang mag mahal ng totoo.

Napapagod na ako
Pero nakukuha ko parin tumakbo,
Labis na akong nakakaramdam ng hingal
Gusto kong maiparamdam ang aking pagmamahal.

Hindi ako agad susuko
Kasi mayroon akong labis na pag suyo,
Sa mga ibinibigay mong pag subok
handa ko yan kaharapin pumuti man ang buhok
Sapagkat puso ko'y ikaw lang ang tinitibok.

Kapag napagod ka
Pwede naman mag pahinga,
Wala naman sapat na dahilan
Para ikaw ay lumisan
Ipaparamdam ko ang pag ibig na walang hanggan.

-MLMJ

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon