Ama

150 0 0
                                    

"A M A"
Ni:Dominic Manuel Salazar•✒
.
Dakilang lalaking nakilala mo.
Simula noong sinilang ka sa mundong ito.
Naghulma ng kabutihan at mabuting asal sayo.
Matinding sakripisyo ang nilaan nito.
Upang magampanan lamang ang pagiging AMA sayo.
.
Bigyan natin ng kahulugan.
Ang bawat letra na bumobuo sa ating haligi ng tahanan.
A-Aruga, ng isang ama ay kailangan.
M-Mapagmahal, sa pamilyang pinangakuan.
A-Alaga, ng isang amang ay hindi matutumbasan.
Ng pera o kahit anong yaman pa iyan.
.
Pagkat buong pamilya pa lamang ay sapat na.
Sa kanila mo mararanasan ang tunay na saya.
Handa kang damayan kapag may problema.
Handang gumabay sayo sa tuwing kailangan mo sila.
Kaya't makinig ka sa mga payo nila.
.
Mga payong papunta ka palang pabalik na kami.
'Yan ang palagi nilang sinasabi.
Kapag may nagagawa kang pagkakamali.
Hindi sila nagkulang sa lahat ng bawat sandali.
.
Dahil sila ang una mo't huling makakasama sa habang buhay.
Ama o inang nagalaga sayo ng walang humpay.
Amang dugo at pawis ang inalay.
Upang mabigyan lamang ang kanyang anak ng magandang buhay.
.
Kaya't maligayang bati sa lahat ng dakilang ama.
Sa mga tatay na may himas-himas laging manok na dala.
Sa mga tatay na nagsilbi na ding Ama at Ina.
Sa mga tatay na hawak lagi ang manibela at nakikipag patintero sa kalsada.
Sa mga tatay na batang ama, na walang takot hinirap ang buhay may pamilya.
Sa mga tatay na nagtatrabaho para asawa't, anak niya.
Sa mga tatay na nasa langit na.
Maligayang bati sa'inyo, Dakilang Ama.
.
-MR.WRITE'S•🎩

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon