BAKA PWEDE PA

160 3 0
                                    

"Baka P'wede pa"
Isinapiyesa ni: Mary Rose Redondo

Baka naman?
Baka p'wede pa naman?
Baka p'wede ulit nating simulan?
Baka p'wede'ng ikaw at ako nalang ulit?
Baka p'wede'ng maulit ang yakap na mahigpit?

P'wede pa ba?-
Na ang istorya ay pagbibidahan nating dalawa?
Na ang mga hurado sa mundo ang magpapa-tibay sa isa't-isa?
Na ang mga litrato mo ang nagpapa alala sakin na "dapat mabuhay pa". Na ang sabik na mga labi ay magtatagpo dahil miss na miss na kita.

Baka p'wede pa?
Baka pwede pa'ng bumalik ang mga ngiti at tawa.
Mga luha'ng ikaw ang dahilan dahil ayaw ko'ng mawala ka.
Mga sakripisyo at pasakit dahil mahal kang talaga.
Oo-
Gano'n ka kamahal.
Gusto ko pang umabot pa tayo ng mas matagal.
Gusto pa,
Gusto ko pa talaga.
Ano? Baka naman?
Baka p'wede pa natin'g simulan.

Halos mag-iisang taon mula ng iwan mo.
Walang gabi na hindi nabasa ng luha ang unan dahil sayo.
Walang araw na hindi kita inisip.
Palaging ka'ng naroon mging sa akin'g panaginip.
Nakikita lagi ang hulma ng mukha sa langit,
Pangalan mo'ng pilit ang laging sinasambit.
Mahal, Baka naman?
Baka p'wede pa natin'g simulan?

Mahal, andito lang ako.
Andito lang ako para sayo.
Andito lang ako para simulan muli ang istorya-
Istorya na pagbibidahan natin'g dalawa-
Na walang katapusan'g pagmamahalan.
Na wala sa'ting mang-iiwan.
Walang kakalas,
Walang tatakas,
Walang mag-mamataas,
Magkaroon lang ng IKAW AT AKO hanggang wakas.
Mahal, sana kaya pa...
Baka naman "P'wede pa"

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon