lakad palayo

64 0 0
                                    

  Lakad Palayo
By: Jeanrio Rabacal Reyes
....
Natagpuan kita sa kalagitnaan ng dalampasigan
Sa dalampasigan Nagkakilanlan di mawari ang saya kapag ika'y nakakasama
Para bang ako'y nasa alapaap
Alapaap na tanging saya ang nadarama kapag ikaw ay nariyan na
Sobrang nadama ko ang iyong prisensya
Mahal ako'y iyong sinanay
Mahal tayo'y nangako sa isat isa
Mahal titiisin lahat ng sakit upang tayo'y magtagal .
Mahal sabi mo hindi ka lilisan
Mahal nangako ka e pero ano ?
Iiwan mo lang dn pala ako
Iniwan mo akong luhaan at naghihinagpis
Naghihinagpis sa sakit ng iyong paglisan
Iniwan mo lang din ako katulad nila
Mahal sabi mo iba ka sakanila
Mahal sabi mo walang iwanan
Mahal pinaniwala mo ako sa salitang ikaw at ako
Mahal pinaniwala mo ako sa salitang tayo
Mahal nangako ka eh
Pero anong ginawa mo
Pinatunayan mo lang saakin na katulad ka rin nila
Katulad nilang kinain ang mga pangako nila
Pangakong ikaw at ako
Biglang naglaho
Kaya mahal ako'y lalakad palayo
Palayo sa lugar kung saan tayo unang nagtagpo.  

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon