PWEDE BANG HINDI MASAKTAN KAPAG NAGMAMAHAL

85 2 0
                                    

  "Pwede bang hindi masaktan kapag nagmamahal"
Ni: Francis Tacy Diaz

Isa, Isang beses palang kitang nakita
Sinabi ko na sa sarili ko, "You are the one"
Dalawa, Dalawang bagay lang naman ang gusto ko
Bago ka pumasok sa buhay ko sana kayanin mo hanggang dulo,
At ang magustuhan mo
Tatlo, Tatlong hakbang mula sa kinakatayuan ko
Aamin na sana ako pero naalala ko,
Magkaibigan lang pala tayo

Dahil sayo natuto akong magbago
Wala akong pakialam sa sasabihin ng tao,
Basta kontento nako sayo

Pwede bang maging masaya kahit ikaw lang ang nagmamahal?
Mawala man ang tamis
Ikaw at ikaw pa rin ang mamimiss
Pwede bang hindi makaramdam ng sakit at kirot?

Pwede bang hindi masaktan kapag umaasa?
Hindi ako magsasawang habulin ka,
Mahal kita
Sa isip, sa salita at sa gawa

Para tayong asymptotes sa mathematics
Pinaglalapit lang pero kahit kailan hindi magtatagpo
Pwede bang hindi masaktan kapag nagmamahal?
Oo, mali ako
Dahil minahal ko ang isang tulad mo  

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon