Best Friend

188 0 0
                                    

"BEST FRIEND"
By:Mackoy

Ito yung isang matibay na pundasyon
Ng relasyon
Na naaayon
Sa dalawang tao
Na magkaibigan sa habang panahon.

Tapat na kaibigan kita
Subalit sa ilang taon
Na tayo ay magkasama
Tila ba ako sayo
Ay nahuhulog na.
Pasensya
Hindi ko naman ito kagustuhan
Na mahulog sa isang totoong kaibigan.
Hindi ko mapigilan
Itong aking nararamdaman.
Ako ay nasasaktan
Sa bawat oras na siya nalang palagi ang ating napag-uusapan.
Sa bawat oras na siya nalang palagi ang laman ng iyong isipan.
At ako naman yung palagi mong nila lapitan
Sa panahong ikaw ay kanyang nasasaktan
Sa bawat minuto na kayo ay nag-aaway
Palaging ako, sayo ay umaalalay
Bilang BEST FRIEND lang sa habang buhay
Kailan mo pa kaya mapapansin
Ang aking tinatagong lihim
Na sayo ako ay may pagtingin
Kahit alam ko na siya ang mahal mo
Kailangan nalang tanggapin
Na ang bawat pag-ikot ng orasan
Ay hindi naaayon sa atin
Hindi naman pwedeng sabihin
Sapagkat ayaw kung masira ang pagiging magkaibigan natin

Hanggang bestfriend nalang ba ako?
Wala ba akong pwesto diyan sa puso mo?
Hanggang dito nalang ba tayo?
Sa totoo naghihirapan na ako
Gusto ko ng sabihin
Pero natatakot ako, baka ang bestfriend ko
Saaakin ay maglaho
Ano ba ang dapat gawin?
Ako ay nawawala sa aking sarili
Sa tuwing sa akin nakatingin
Ang kumikislap mong mga mata
Hindi ko na alam ang aking nadarama
Teka, mahal na ba talaga kita?
Bat sayo pa?
Bat sa best friend ko?
Eh marami namang diyang iba!
Hindi ko inaasahan na ito ay mangyari
Sa bawat sandali, ako ay nagbabakasakali
Na sana kahit isang araw lang
Ay maalis ka saaking isipan

Lumapit ka sa akin
Sinabi mong wala na kayo
At niyakap mo ako
Ako ay nagulat sa pangyayaring ito
Umiyak ka sa aking harap
Na tila ba sa relasyon niyo
Ikaw ay hirap na hirap
Ng dahil sa kanya
Paunti unting nasisira ang iyong pangarap.
Best friend nandito lang naman ako
Bat hindi mo makita ang totoong nagmamahal sayo?
Yung taong nagsasakripisyo
Yung taong palaging kasama mo
Yung taong hindi ka iniwan, sa oras ng iyong kagipitan.
Bat sa kanya pa?
Na walang ginawa kundi ang puso mo ay saktan
Sana naman iyong maramdaman
Na ikaw ay aking nagugustuhan.
Ano bang meron siya?
Na wala ako
Ano bang meron siya?
Best friend tama na!
Tama na!
Itigil na ang pagiging tanga
Ng dahil sa kanya
Ng dahil sa isang tao na hindi naman makita ang totoo mong importansya. Hanggang kailan pa?
Ako magiging best friend?
Hanggang kailan pa?
Parang hindi ko na kasi kaya
Na makita kang lumuluha
Ng dahil sa kanya.
Ako nalang ang mahalin mo
Ako nalang best friend ko
Pangako
Hindi ka masasaktan ng todo
Kapag ako ang pinili mo,
Ano ba ito?
Ano ba itong pinagsasasabi ko?
Hindi nga pwedeng maging TAYO.
Hindi nga pwedeng maging ikaw at ako
Best friend kita, bat ako nagkakaganito?
Baliw na ba ako?
Baliw na ba ako sayo?
O hindi ko lang talaga matanggap na hanggang dito lang tayo

Kailangan ko ng kalimutan
Itong aking nararamdaman
Sa isang totoong kaibigan.
Ayaw ko na,
Ayaw ko ng umasa pa,
Umasa sa wala.
Kaya ang dapat kung gawin
Ay ipikit ang mga mata at tanggapin
Na hanggang bestfriend,
Lang ako sa yong paningin

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon