Kaibigan

62 1 0
                                    

"KAIBIGAN"
Naranasan mo na bang umibig sa isang KAIBIGAN?

Yung handa Kang sumugal kahit na Alam mong ikaw Yung MASASAKTAN?

Kahit na Alam mo na kapag nalaman nya namay nararamdaman ka sa kanya eh.... Malaki Ang tyansa na Mawala sya?

Yung tipong masaya ka sa bawat sandaling kasama mo sya.
Maaninag mo Lang likod nya eh . Masaya kana!

Ganon. Ganon ako kabaliw sa kanya , Kaya bago ko pa ituloy ang nararamdaman Kong ito ..
Eh tanggap ko na!. Tanggap ko na .. na KAIBIGAN . LANG AKO.

kaibigang TATAKBUHAN mo kapag may problema ka!
Kaibigang patatawanin ka sa tuwing malungkot ka dahil sa kanya.

Sobrang sakit Diba?
Kasi . Ako . Ako Ang palaging NASA tabi mo. Pero sya. Sya pa din Ang NASA isip mo , Siya padin Ang hinahanap mo, Siya padin Ang bukang bibig mo!

Eh pano naman ako? Ay oo NGA pala Sino NGA naman ako para magselos at magreklamo?
Eh Isa Lang naman akong KAIBIGAN
Oo Kaibigan .... Mo Lang .... AKO!

Madalas nangangarap na Sana ako nalang
Sana ako nalang at Wala nang SIYA ..
baka Kung Ganon... Ako Ang Makita mo at Hindi SIYA
pero impossibleng mangyari Yun Kasi Alam ko naman ... Na KAIBIGAN MO LANG AKO... AT MAHAL MO SYA , PERO GUSTO KO LANG MALAMAN MO NA TALO MAN AKO SA PUSO MO , NANDITO PARIN AKO PARA SAYO , MAGHIHINTAY PARIN , SUSUGAL AT AASANG MAYROONG AKO NA NAGMAMAHAL SAYO NG TOTOO.

-Kaylatlbng

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon