Huling Pagkikita

67 0 0
                                    

Pamagat: Huling Pagkikita
Akda ni: Seann Clive Polinar

May mga bagay sa mundong ito,
Na akala mo hinding hindi na hihiwalay sayo,
Ngunit isang panaginip mulang pala lahat ng ito.
Na tila binigay lang sayo para sagayun matutukang magmahal,
Kahit pa panadalian lang ang at hindi magtatagal.
Maramdaman muna man kahit saglit lang,
Ang Sarap ng wagas na pagmamahalan.
Na naniwala ka lahat ng kanyang ipinakita,
Minahal mo siya kahit alam mong parang dihado ka.
Na kahit ano paman ang mangyari sa inyong dalawa,
Naniniwala kang hindi niya iiwan ng basta-basta.

Subalit tanggapin mong mapaglaro ang tadhana,
Na kahit anong pilit mong isalba at ayusin ang nasira,
Kung Alam mong hindi na masaya,
Pabayaan muna lang at tanggaping hanggang dun nalang kayong dalawa.
Masaya at Malungkot man ang inyong storya,
Wag mong sabihing huli muna siyang mamahalin sa twina.
Isipin muna lang dumaan lang siya sa mundo mo,
Nagbigay ng kaunting inspirasyon sa buhay mo,
Trinato kang totoo at minahal ka ng buong puso,
Kahit pa sa huli iniwan kalang niya at ipinagpalit sa iba.

Gusto ku lang sana para sa mga oras nato,
Sana makita kupa ang dating minahal ko,
Yung dating ginawa kong mundo,
Yung dating minahal ako ng sapat at totoo.
Sana bago matapos ang dalawangpu't limang segundo sa araw nato,
Masilayan kulang ang taong nagbigay ng kulay at saysay sa puso ko.
Sana'y mabigyan ako ng pagkakataong makita ang minahal ko,
Minahal ko na inagaw ng taong noo'y pinagkakatiwalaan kong tao.

Kahit na iniwan man ako bigla,
Inaamin kong may pagtingin padin ako sa kanya,
Na kahit alam kong wala na siya,
Tanging bulong ng isipan ko'y ang pangalan niya.
Kahit alam kong may iba na siya,
Hindi ko batid kong bakit hanggang ngayon siya padin ang aking sinisinta.
Nais kupa sana ipaalam pa ang totoo kong nararamdaman kaso nawala na siya,
Naglaho nalang ng parang bula.

Kung mapagbibigyan man ako ng pagkakataong makita ka,
Lulubusin ko ang bawat segundong binigay ni bathala.
Gusto ko sa huling pagkikita nating dalawa,
Maliwanagan na ang aking nararamdaman,
Na dapat ay hindi na pwedeng lumago pa,
Dahil alam kong walang saysay pa kong ipagpapatuloy ko pa,
Ipagpapatuloy kopang umasa sa wala,
Ipagpatuloy ko pang mahalin siya kahit may mahal na siyang iba.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon