Luha

106 0 0
                                    

 " LUHA" 

BY:Honey Pasculado

Lumipas na naman ang isang araw.Ngunit ngiti mo parin ang nais matanaw.Sa bawat oras na dumaraan.Tila di parin ako makalimot sa ating nakaraan.Dumating ang kinagabihan.Ngunit hanggang ngayon anino mo lang ang nais masilayan.Ngunit nasan nga ba?Di ka na matanaw pa ng aking mga matang lumuluha.Mga matang puno ng luha.Luha na nagsisilbing karamay sa tuwing darating ang gabi.Luha na pumapatak lalo't alam ko na wala ka na saking tabi.Luha na ayaw papigil sa pagpatak.Ewan ko nga ba kung bakit ayaw mapagod.Nitong mga matang luha lamang ang nais ihandog.Nakakapagtaka, nakakapagduda.Ganon nga ba talaga ako katanga?Dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin kita.Dahil hanggang ngayon ikaw parin ang nais makita.Bakit kailangan ko ito maramdaman?Kahit una palang alam kong ako'y masasaktan?Bakit kaya ako ganito?Alam ko ng ako'y matatalo ngunit patuloy parin sa pagtakbo.Ganun nga ba talaga tayo?Nagiging bulag bulagan sa pag ibig na walang ibang ginawa kundi saktan lang tayo?Lumipas ang ilang minuto, oras at araw.Kasama na ang dilim na bumabalot sa gabi.Itong mga matang puno ng luha, tuluyang nawala.Tila ulan na tumigil na sa pagpatak.Siguro'y kailangan ko ng itigil ang pagluha.Di dahil sa ako'y pagod na.Kundi dahil alam kong may panibagong umaga.Panibagong umaga na bubuo sa aking masalimuot na istorya.  

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon