LIHIM

116 2 0
                                    

"Lihim"
By: Angelica Silvestre Lim

Kapag naririnig ko ang iyong tinig
ang aking mga balahibo'y naninindig,
Ang aking puso'y lumulukso sa tuwa,
habang ang aking mga mata ay lumuluha.
Nais kong ika'y mahigpit na yakapin ituring na parang tunay kang akin,
Ngunit alam kong ako'y magigising
at mararamdaman ang kirot na
patuloy pang idinidiin.

Gusto ko lang naman ay maramdaman ang 'yong pag ibig,
kahit alam kong maging ang tadhana'y hindi ito ibig.
Nagmamahal ako nang ako lang ang nakakaalam
at may nagmamahal sayo ng hindi mo alam.
Ginusto kong magmahal mag isa kaya masaya akong masaya ka,
kahit alam kong 'di ako ang dahilan kung bakit ka masaya.
Gusto ko sabihing hinahanap hanap kita,
pero para san pa't nakita mo naman na siya.

Sapat na sa'kin ang patagong pagtingin sayo
At kiligin sa kaunting atensyon mo.
Kaya naman di na nakakapagtaka,
kung ako'y di malingap ng iyong mga mata.
Tanggapin na Sa'kiy wala kang pagtingin,
kaya ang lihim na ito'y akin nalang kikimkimin.
Dahil ang oras naman ay lumilipas
at mababawasan ang sakit na dinaranas,
ngunit ang pag-ibig ay buhay at hindi kukupas.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon