MAGANDA KA

181 3 0
                                    

"Maganda ka"

Dalawang salita, siyam na letra
Yan ang kadalasang naririnig at sinasabi sa atin ng iba
Sinasabi sa atin kapag may kailangan sila
Na tila isang mahika na kapag narinig mo ay mapapapayag ka nalang sa gusto nila

"Peram ng bolpen maganda ka naman diba? Dali naaa"
"Ganda, may pulbo ka?"
"Ateng maganda may suklay ka? Pahiram na"
"Ganda wamport lang sapat na"

Ilan lang yan sa mga katagang paulit-ulit kong naririnig sa iba
Mga katagang masarap paulit-ulitin sa tenga
Na tila kapag narinig ko'y mapapa-oo nalang ako at maniniwala sa sinasabi nila
Pero ang totoo, maganda nga ba akong talaga?
O maganda lang ako dahil may kailangan sila?

Pauli-ulit nalang, nakakasawa na
Nakakasawa na hindi dahil sa sinasabihan niyo akong maganda
Kundi nakakasawa na dahil lalapit lang kayo kapag gusto niyo at kailangan niyo ng aking suporta
At kapag tapos na, hindi niyo nanaman ako kilala

Balik nanaman sa unang baitang ang ating pagkakaibigan
Na tila ba wala tayong pinagsamahan
At hindi nanaman tayo magpapansinan

Pero ayos lang na lumapit ka sakin kahit na gamit ko lang ang kailangan mo
Hindi naman ako magrereklamo
Dahil ikaw parin naman yung kaibigan ko
Yung kaibigan ko na minsa'y pinasaya at pinagaan ang loob ko

Kaya ang hamon sating mga kabataan
Piliing mabuti ang kaibigan na sasamahan
Upang hindi ka lang maging maganda-
Maganda kapag may kailangan sila.

By: Justine May Esplana
Spoken Poetry
2018

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon