TAYO O KAYO

112 4 0
                                    

  "TAyo o Kayo"
by:JOHNLORD FERNANDEZ TURTOR

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko,
Kung bakit ako nasasaktan kahit wala namang Tayo,
Pasensya na kung masyado akung papansin sayo,
Pasensya na kung palagi kitang binabati nang magandang umaga sa bawat paggising mo,
Pasensya na kung gusto kung malaman ang bawat ginagawa mo,kung ok ka lang ba bawat minuto,
Pasensya na kung napamahal ako sayo,
Di ko naman kasi alam kung bat ginagawa ko to,
Kahit wala naman akung karapatan sayo,
Hindi ko alam kung bat nagpakatanga ako sayo,
Pinilit kung binobuo ang TAYO samantalang ang binobuo mo ay KAYO,
Ewan ko kasi nitong puso ko,
Andami namang babae dyan pero bakit Ikaw ang napili nito,
Ikaw na mahirap tanggapin ang katulad ko,
Kaya sa patuloy ko na paglalakbay patungo sa puso mo,
sa bawat mahirap na daan na tinahak ko,
na minsan dumating sa punto na susuko na ako,
Pero nanaig parin ang pagmamahal kaysa kahinaan ko,
Kaya patuloy parin ako sa pagmamahal sayo,
Kahit may posibilidad na may nauna nang dumating dyan sa puso mo,
Kaya patawad kung hindi ko masabi ang salitang mahal kita sa harapan mo,
Patawad kung hindi ako naging totoo sa nararamdaman ko,
Patawad kung minahal kita kahit na ako lang ang nagmamahal sayo,
at patawad dahil minahal kita kahit alam kung malabo na maging Tayo.  

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon