MAHAL KITA NGUNIT PAALAM NA

263 3 0
                                    

"Mahal Kita Ngunit Paalam Na"
By: Jillian Blesille Garcia

Pagbigkas ng mga salitang Mahal Kita
Sa tuwing tayo'y magkausap o magkasama
Mga ngiting sumisilay
Kasiyahan na tila nagtagumpay

Mahal Kita higit pa sa iba
Higit pa sa kaniya, Higit pa sa kanila
Minahal kita dahil sa tingin ko yun ang aking ikasasaya
Kaya't sana'y di ako nagkamali nang ito'y aking ipinadama

Ngunit ang katagang Mahal Kita
Ay sana'y diko na binigkas pa
Dahil dito'y dumating na,
Ang sakit na pinakainiiwasan ng iba

Dalawang salitang pinahahalagahan
Natin at ng karamihan
Na nagdudulot ng kaligayahan
Ngunit laging may kasunod na sakit at kalungkutan

Kaligayahang naramdaman
Pagmamahal na hindi pangkaraniwan
Ng bawat isa sa taong kanilang minamahal
Na nakadepende kung ito'y magtatagal

Magtatagal kung ito ay totoo
At matatapos kung ito'y ginagawang laro
Laro na dapat hindi ginagawa
Laro na sa pagmamahalan ay di angkop na salita

Ngunit anong magagawa?
Kung ako'y pinaglaruan ng tadhana
Tinamaan ng pana ni Kupido
Ngunit ang masakit ay magisa lamang akong tinamaan nito

Nararamdamang kalungkutan
Bigat ng kalooban
Sakit na nararamdaman
Nang ako'y iyong iwan

Ika'y masaya
Kaya't nararapat na ako'y ngumiti para sa inyong dalawa
Ngiting hindi totoo pero gagawin ko para sayo
Kahit kayong dalawa lang ang nakararamdam ng sayang totoo

Anong aking magagawa?
Kung ako'y nasaktan dahil sa nararamdaman
Mga bagay na di mo dapat ginawa
Dahil ito'y naging dahilan upang bumigat ang aking kalooban

Hindi na dapat binigkas pa
Hindi na dapat ipanarinig pa
Sa akin ang dalawang salitang Mahal Kita
Sapagkat dahil dito ay nasaktan ako nang sobra

Wala na akong magagawa
Sapagkat ika'y masaya na
Ngunit lagi mong tatandaan
Na Mahal Kita

Mahal Kita higit pa sa sobra
Mahal Kita Ngunit Paalam Na
Paalam na sating dalawa
Mga ala-ala nating nasayang na

Paalam Na,
Maging masaya ka sana
Ngunit ito ang tatandaan mo
Na lagi akong nandito.. Para lang sayo

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon