Pilipinas Hindi Pilipinas Lang

72 1 0
                                    

Pilipinas hindi Pilipinas lang
Isinulat ni: Gienah Fernandez
Maraming katanungan
Sa aking isipan
Bakit Pilipinas lagi ang natatambakan?
Nang mga reklamo at kabastusan?
Bakit ang ating bansa ang sinisisi natin dahil lamang sa mga tao?
Bakit natin sinisisi ang Perlas na sinilangan kung dito nabuo ang ating pagkatao?
Tinuruan tayo ng mabuting asal
Tinuruan tayo kung paano magdasal
Pero bakit hindi ito sundin?
Nang ibang kababayan natin
Tapos kapag hindi sinunod,sa bansa bagsak ng sisi
"Lahat nalang issue"
"Nasa Pilipinas tayo eh"
"Lahat nalang ang laking bagay sa tao"
"Nasa Pilipinas tayo eh"
Yan lagi ang sagot
Hindi sila napapagod
Na ulit ulitin ang katagang iyan
Dahil ba pagod na sila sa laban?
Oo,laban,laban sa araw araw
Laban na hindi natatapos dahil sa kahihiyan na dinadala ng mga taong kung magisip ay sobrang babaw
Nasaan na ang mga pangakong ginawa mo?
Nasaan na ang mga katagang sinabi niyo?
Yung "Panatang Makabayan,iniibig ko ang Pilipinas"
Nasaan na? Tela na ba ito na natastas?
"Aking lupang sinilangan,tahanan ng aking lahi"
Nasaan na ang ating kababayan? Nandun nakikipag palitan ng salita na "Nasa Pilipinas tayo eh"
Mayroon pang isang kataga:"Dahil mahal ko ang Pilipinas"
Tapos nasa isip ay mga bansa sa labas
Hindi ko nilalahat ang mga Pilipino
Sadyang may mga Pilipino na dapat ginagamit ang ulo
Isipin nila kung saan sila lumaki
Kung saan sila nagsilbi
Kung saan nila naipagmamalaki ang Pilipinas
Mula "Batanes hangang Jolo"
At sa kanilang sarili mula paa hangang ulo
Sa mga Pilipino diyan na sinisisi ang ating bansa
Alalahanin mo muna ang mga bayani na katulad ni Rizal na ginawa tayong malaya

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon