Ang tama para sa akin

214 0 0
                                    

Ang tama para sa akin

By:DLFS

Tama na, tumigil na tayo sa ilusyong hindi naman magkakatotoo.
Sa ilusyong nagpapasakit ng ating ulo.
Sa ilusyong hindi maibibigay ng kahit na sino.
At sa ilusyong naging pasakit sating puso.

Tama, nandito ako para sabihing hindi ko na kaya.
Tama, alam kong masasaktan ka pero mas ayokong masaktan tayong dalawa.
Tama, gagawin ko ang tama kahit masaktan ka pa
Tama, mahal pa kita pero tama na.

Nasasaktan din ako pero mas pinili kong maging masaya,
Mas pinili kong ibigan ka
Mas pinili kong humalakhak at tumawa kapag kasama kita.
Pero magtatapos din pala ito sa pagpatak ng mga luha.

Noon, sabi mo mahal kita
Pero ngayon parang hindi na kita kilala
Tama naman diba? Noon, mahal pa natin ang isa't isa.
Pero ngayon ako nalang ang nagmamahal sa ating dalawa.

"Dalawa lang yan" payo ng kaibigan ko.
"It's either, mahal mo pa sya dahil nasasaktan ka O nasasaktan ka dahil mahal mo pa sya."

Alin ba sa dalawa ang tama.
Yung una ba O pangalawa?
Ayokong pumili sa dalawa
Pero bakit noon pinili kita?

Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko.
Pero ngayon, ako ay desidido.
Hindi na ako magmamahal ng katulad mo.
Hindi kahit kailan! Itaga mo yan sa bato!

Noon, pinili ko ang pagmamahal pero bat tayo nagkasakitan?
Noong pinili kita pero hindi maganda ang naging kalabasan.
Pinili kita noon kasi akala ko hindi mo ko sasaktan
Pero batid kong alam mo na hindi na kita kayang kapitan.
Patawad, hindi ko alam na ganito ang magiging katapusan.

Ayokong sisisihin ang sarili pero ayoko din na magsisi sa huli.
Patawarin mo ako sa lahat ng nangyari.
Patawarin mo ako kung bakit kailangan mo pang pumili.
Patawarin mo ako kung sinisi ko ang sarili.

"Wag kang umalis! Pakiusap kaya kitang mahalin ulit."
Nagsusumamo mo akong tinignan at para akong unti unting pinupunit.
"Kung masasaktan din naman ako, wag mo na akong ibigin."
Naglakad ako at hindi na muli tumingin pabalik.

Hindi kita kayang saktan pero mas hindi kita kayang tignan habang nasasaktan.
Alam ko naman na tayo ay nagkakalabuan.
Alam naman natin na tayo ay nagkaroon ng kakulangan.
Tanggap ko rin naman na ang relasyong binuo natin ay walang saysay at kabuluhan.

Siguro nga hindi ikaw ang nakatadhana para aking mahalin.
Siguro nga pagsubok ka lang na kailangan kong harapin.
Siguro nga isa ka lang sa lalaking aking iibigin.
Hanggang sa makita ko na ang tama para sa akin.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon