Maskara

55 0 0
                                    

MASKARA
by: Micaella Sekito

Nakikita mo ba?
Nakikita mo ba ang totoong siya kapag kayo'y wala sa harap niya?
Nakikita mo ba?
Nakikita mo ba ang mga pekeng tawa nya?
Hindi diba?

Sa harap ng iba'y masaya siya,
Pero pano kung mag-isa siya?
Sa harap mo'y tawa siya nang tawa,
Pero pano kung tumalikod ka?
Ano nang ginagawa niya?
Ano nang nangayari sa kaniya?

Hindi mo alam diba?
Dahil kada tatanungin mo sya "ayos ka lang ba?"
Ang isasagot niya'y "ayos at walang problema"
Saka sya ngingiti na parang wala talagang problema,
Ngunit sa loob-loob niya'y sukong-suko na siya.

Tao ka, may pakiramdam ka.
Tanggalin mo ang iyong maskara
At ang totoong ikaw ay ipakita
Wag mong alalahanin ang sasabihin ng iba
Basta ba'y magpakasaya ka.

Magsabi ka ng problema
Wag kang mahiya
May kaibigan ka
Na dadamayan ka pag may problema
Wag sarilihin ang problema

Nang sa ganoo'y walang bigat na dinadala.
Ang mabigat ay gagaan
At ang luha'y hindi na papatak pa
At ang ngiti't tawa'y magiging totoo na.

Hindi mo na kailangan magpanggap pa.
Hindi mo na kailangan umiyak mag-isa.
Hindi mo na kailangan takasan ang problema.
Hindi mo na kailangan pekein ang tawa.
Hindi mo na kailangan isuot pa ang iyong maskara.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon