Huling Hantungan

117 0 0
                                    

Huling hantungan
Ni: Richelle Masangkay Marquuez

Noong una kang makita
Puso ay napakanta,
Sa tuwa at galak na aking nadama
Na wari'y dinuduyan na ka'y sarap sa pakiramdam.

Noong un kang nakita
Sa isip ayaw ka ng pakawalan,
Na para bang ika'y akin ng kasintahan
Na ka'y sarap sa pakiramdam at sa ulap wari'y idinuduyan.

Puso ko'y napapakanta
Dahil labis-labis ang tuwa,
Na para bang di nakakasawa
Kaya sana'y wag kang mawawala.

Pero bakit ganon
Kung kailan handa ng tanggapin ang hamon,
Saka naman tadhan'y makikipagbiro
Kaya't pilit tayong pinaglalayo.

Sadyang kaysakit mag biro ng tadhana
Dahil sa ating dalwa sya ang humahadlang,
Siguro nga ito ang tama
Pinagtagpo pero kailan ma'y di itinadhana.

Ang puso ngayon ay sawi
Dahil sa sakit na di napawi,
Dulot ng iyong paglisan
Dito sa mundong ating ginagalawan.

Kaya't mula sa aking labi
Paalam na lng ang mamumutawi,
Pero iyong tatandaan mahal na mahal kita
Kahit pa dumating pa tayo sa ating huling hantungan.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon